Dagli#13

32 2 0
                                    

"Anak pagpasensyahan mo na ang nanay, ha?" Humihikbi si Lilian habang hinihimas ang limam-buwan n'yang dala-dala sa kan'yang sinapupunan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Anak pagpasensyahan mo na ang nanay, ha?" Humihikbi si Lilian habang hinihimas ang limam-buwan n'yang dala-dala sa kan'yang sinapupunan.

"Pagpasensyahan mo na ako kung naisipan kitang ipalaglag, ha?" giit pa n'ya.

Bigla syang napabalikwas.

"And'yan na naman sya." aniya nang  marinig  nya ang kaluskos sa labas ng pintuan ng kan'yang silid.

Agaran syang nagtalukbong at nagkunwaring natutulog.

bumukas ang pinto. Pinagpapawisan sya  sa bawat kaluskos ng mga yapak na naririnig n'ya. Palapit ito ng palapit  Hangang sa maramdaman n'yang unti-unti nang dumadampi ang mga kamay nito sa maseselang parte ng kan'yang katawan. Biglang tumulo ang kan'yang luha sa kapootan  at nagmamaka-awang  sinabing, "Tama na po, Itay!"

written by: John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now