Spoken Word Poetry #2

239 7 0
                                    

Sorry na

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

Sorry na.
Pinapatawad na kita.
Sorry hindi 'ko sinasadya.
Wag mo na lang uulitin, ha.
Sorry na talaga.
Ulit-Ulit na lang ba?
Sorry natukso lang.
Nakakasawa na.
Sorry na. maawa ka.
AYOKO NA.

Handa naman kitang patawarin dahil mahal kita,
Ayoko lang ay 'yung paulit-ulit mo'kong lokohin dahil nawili ka.
Siguro nga may kasalanan parin ako talaga.
'yun ay 'yung patuloy kitang tinatangap kahit mali ka na.

Nasan na 'yung pangako mong 'di mo 'ko sasaktan?
eh, Ngayon nga hindi mo'ko mapaglaban.
Mga Gawain mong mapanlinlang.
Kahit alam mong ako'y magdaramdam.

Nasan na 'yung sinasabi mong TAYO?
Eh, bakit puro na lang ako?
Sadya bang tayo'y pinagtagpo.
Para Ipaglayo.

Pinapasalamatan pa rin kita.
Dahil maaga pa lang pinakita mo na,
'Di ka marunong MAGPAHALAGA.

Words by: John Meinard Salamat.

Kawalan (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें