Dagli#10 & #11

31 2 0
                                    

Dagli#10

"Tulungan nyo 'ko!" pagmamakaawa ng lalaking naliligo sa sariling dugo sa mga taong nakapalibot sa kan'ya habang tinatakpan ang mga malalalim na sugat nito dulot ng pananaksak ng holdaper sa kan'ya.

Pinagtitinginan lang sa sya ng mga tao tila nag-aabang na lang ang mga ito na maputulan sya ng hininga at bawian ng buhay.

"Kawawa naman sya." wika ni Lanie sa kan'yang katabi habang nilalabas ang cellphone nito sa bulsa para picturan ang naghihingalong lalaki, " Mai-post nga sya sa peysbuk"

Written by: John Meinard Salamat

Dagli#11

Malalim na ang gabi. Nagising ako sa malakas na pagpalatak ng butiki kasabay ng pagkakak ng manok ni mang Manny. Madilim. hindi ko maaninag ang mga bagay sa paligid. Nasaan naba ang aking salamin? Kinapa ko ang bawat pagitan ng malambot kong higaan. Sa wakas may nakapa na rin ako, baka eto na 'yun pero bakit para atang lumaki, bumilog at humaba ito? Nagulat ako ng may nagbukas ng ilaw. Si Ate.

"Robie anong ginawa mo sa boyfriend ko?" Gulat nyang binanggit habang tinuturo ang hawak kong palakol na nakabaon sa wala ng buhay nyang kasintahan.

Written by:John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora