You maybe triggered by this stories#3

16 1 0
                                    

"Nasaan na 'yung mga ipinangako mo sa'min nung nangangampanya ka pa lang?" Sigaw ng mga nagra-rally na mamamayan sa tapat ng bahay ng bagong talaga na Mayor sa kanilang lugar.

"Wag po kayong mag-alala bukas na bukas, sisimulan ko na ho ang pagpapalaki ng inyong mga sahod." sagot naman ng Mayor.

Kinabukasan nga ay nilagdaan na ng mayor ang reporma na magpapalaki ng sahod ng mga mamamayan.

"Iyan lang ba ang mapapatutupad mo? Pa'no naman pag nagkasakit kami, edi wala ring mapupuntahan 'yang malaking sahod na pinatupad mo." Sigaw ng mga nagra-rally na mamamayan sa nagkakamot na ulo na Mayor.

"Sige po! Wag po kayong mag-alala bukas na bukas ho ipatutupad ko 'yang hiling nyo." Malungkot na sinabi ng Mayor habang iniisip kung saan nya kukunin ang perang makakasalo sa hinihiling ng mga nagrarally-ing mamamayan.

Kinabukasan ay nilagdaan ulit ng Mayor ang Reporma para sa libreng pa-Ospital at pagamot para sa may mga sakit.

Maya-maya lang ay nagrally na naman ang mga mamamayan. "Iyan lang ba kaya mo? Paano naman 'yung bayarin namin sa kuryente at tubig? Edi parang wala lang 'yung pinatupad mong dagdag sahod sa'min!"

"Sige po! Wag po kayong mag-alala para 'di na kayo magreklamo ako na lang po ang magbabayad ng Kuryente at Tubig nyo!" Tugon ng Mayor na nanlalata na dahil naubos na ang kayamanan nya para lang sa mga taong bayan.

Tinupad nga ng Mayor ang ipinangako nya at binayaran nya lahat ng Kuryente't tubig ng mga mamamayan.

Maya-maya lang ay nagrally na naman ang mga ito. "Binayaran mo nga 'yung kuryente at tubig namin, eh hindi mo naman sinamahan ng Pagkain. Makakain ba namin ang Kuryente at tubig?"

Biglang nag-init ang ulo ng Bagong Mayor. "Pukang ama aba! Hindi nyo ba kayang mamumuhay ng 'di umaasa. Wala na! Ubos na lahat ng mga ari-arian ko dahil sa inyo, dahil sa mga hinihiling nyo. Kung gusto nyo magtalaga na lang kayo ng bago nyong Mayor dahil ako, Ayoko na!"

"Wala ka palang kwenta, eh." Sigaw ng mga mamamayang walang ibang ginawa kundi magreklamo.

Written by: John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon