Kasabihan #12 & 13

21 1 0
                                    

Kasabihan #12

Maaliwalas ang gabi. Napansin ko ang paunti-unting pagkislap ng mga bituin sa kalawakan-- na pag pinagmasdan mo ay parang sinasakop na nito ang kalangitan. Bahagya akong sumandal sa aking kinauupuan kasabay ng pag-aaliw sa pinapamalas nitong kagandahan. Hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ng aking mga mata. Huminga ako ng malalim kasabay ng pagtulo ng luha ko at sinabing, "Mapalad ang mga nagniningning na bituin sa kalangitan dahil ang mga ito lang ang bukod tanging ginawa ng Dyos na hindi kayang abutin at sirain ng mga tao."

Written by: John Meinard Salamat

Kasabihan#13

Nandito tayo sa isang mundong binago na ng modernong panahon. Isang mundong marahas ngunit 'di nakakapatay. Isang mundong kayang baguhin ang tingin sa'yo ng ibang tao-- Na kung saan ay pwede kang mag-iba ng anyo at pagkakakilanlan. Maging matalino sa larangan ng Pilosopiya, Theorya, akademika at maging sa larangan ng literatura-- kung minsan pa nga'y sports analyst pa. Nandidito tayo sa isang mundong walang mali, lahat ay tama. Na kung saan ay madali ka lang sisikat at madali ka ring kaiinisan. Nandito tayo sa isang mundong puno ng demokrasya ngunit wala namang namumuno; May mandirigma ngunit wala namang prinsipyo; May paniniwalang pinaglalaban ngunit wala namang basehan. Isang mandirigma na kaya kang patayin gamit ang mga salita. Mga mandirigma na ang tanging armas ay qwerty na keyboard at tusong kaisipan.

Ngayon sasabihin mo pa bang mapalad ka?

Dahil itanggi mo man at hindi ay kabilang ka na rin sa kanila.

Written by: John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now