Hugot#15 & #16

38 2 0
                                    

Hugot#15

Sa bawat araw na nangungulila ako sa mga yakap mo, ang tanging naging kandungan ko ay ang UNAN ko.

Sa mga gabing umiiyak ako ng dahil sa'yo, ang tanging unan ko lang ang kayakap ko.

At sa araw na ito, na tuluyan nang binawi ng tadhana ang pagmamahalan natin sa isa't isa, Ang Unan ko pa rin ang kasama ko. :'(

Minsa'y napapaisip.

Na mabuti pa ang material na bagay na kahit walang kibo ay alam mong kasa-kasama mo at handang dumamay sa'yo sa lahat ng lungkot at pighati na nararamdaman mo. :'(

Written by: John Meinard Salamat

Hugot#16

Nuong bata pa ako tuwang tuwa ako pag may napapaiyak akong kalaro pero ngayong tumanda na ako, Umiiyak naman ako habang pinaglalaruan ako. :'(

-John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now