Dagli#8

48 2 0
                                    

"Kuya, kumain na po ba kayo?" pag-a-alalang tinanong ni Famy sa matandang pulubi habang  paulit-ulit ang pag-iling nito sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kuya, kumain na po ba kayo?" pag-a-alalang tinanong ni Famy sa matandang pulubi habang  paulit-ulit ang pag-iling nito sa kanya.

Bakas sa pagmumukha ni Famy ang awa sa lumpong matanda kaya kinuha n'ya ang styrofoam na may lamang pagkain sa plastic bag na hawak-hawak n'ya at ibinigay ito sa matanda.

"Maraming salamat, Anak!" masayang sinambit ng matanda kay Famy habang nilalantakan ang pagkain na binigay sa kanya ng dalaga.

Mangiyak-ngiyak na nagpaalam si Famy sa matanda kasabay ng pagmamadali  nitong pumunta sa p'westo ng kanyang kaibigan para tingnan ang cellphone na hawak-hawak nito sabay sabing, "Nakuhanan mo ba?"

Written by: John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now