Spoken Word Poetry #6

158 3 0
                                    

"Pagbitaw"By:John Meinard Salamat

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

"Pagbitaw"
By:John Meinard Salamat

Mahal Naaalala mo pa ba kung paano natin titigan ang isa't isa nung una tayong nagkita.
Kung paano mo hawakan ng mahigpit ang aking mga kamay na parang hindi na tayo magkakahiwalay.

Mahal naaalala mo pa ba nung napatingin ako sa kanya, Natawa pa nga ako kasi 'di magkamayaw ang 'yong mukha habang tinititigan mo sya ng masama.

Pero..

Habang patagal ng patagal ang ating relasyon ay bigla ka na lang nagbago.

Ang dating masaya ay napalitan na ng pagdurusa.
Ang dating mainit ay unti-unti nang lumamig.

Hangang sa nakita mo na SYA.
SYA na pinagpalit mo sa matagal nating pagsasama.

Nakuha ko na ngang lumuhod sa harapan mo, Nagmamakaawa na balikan mo ako pero ano ang narinig ko sayo na "Hindi na tayo para sa isa't isa"

"NA HINDI NA TAYO PARA SA ISA'T ISA"

Tinatak ko 'yan sa utak ko. Ang dating masasayang ala-ala natin na nagbibigay sa'yo ng halaga ay kinalimutan ko na.

At ang pinakatagu-tagong kong litrato,damit, Liham at lahat ng putang inang bagay na nagpapaalala sa sakit na nararamdaman ko sa'yo ay sinunog ko na.

Eto ako ngayon nag-aayos at inaayos ang sarili ko para malaman mong may sinayang ka.

At dumating na nga 'yung araw na 'yung taong pinalit mo sa akin ay iniwan ka na at  alam ko sa sarili ko na babalik ka.

At bumalik ka na nga.

At ngayo'y ikaw naman ang lumuluhod sa harapan ko at sinasabi mong mahal mo pa rin ako.

Pasensya na dahil kahit anong pagsusumigaw ng puso kong patayuin ka at hagkan ka ay syang sinasabi ng utak ko na TAMA NA!

At kahit anong pilit mo sa'king balikan ka.
Pasensya na dahil Ayoko na, Ayoko na talaga.

Dahil ako'y natuto na TANG INA KA!

Kawalan (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt