Spoken Word Poetry #11

116 2 0
                                    

"Liham ni Pancho"Ni:John Meinard Salamat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Liham ni Pancho"
Ni:John Meinard Salamat

Inay,
Kamusta ka na?
Heto ako sinusuong pa rin ang hamon ng  buhay.
Para sa ikabubuti ng bayan, nakikipag-patintero ako kay kamatayan.

Si Belinda at dalawang anak ko nga pala, kamusta na?
Pakisabi na lang sa asawa ko, pagpasensyahan na lang 'yung naibibigay ko sa kan'ya.
Alam ko namang hindi sapat 'yun , Inay.

Alam mo ba, Inay?
Nakabaril ako ng bata kanina sa gyerahan.
Kasi kung 'di ko sya papatayin, ako ang papatayin n'ya.
nakokonsensya ako.. bakit nila ginagamit ang bata, Inay.

Inay, alam mo pa ba?
Masakit palang makitang namamatay isa-isa ang mga kasamahan ko.
Parang dinudurog ang puso ko, Inay
Nung nakita ko si Mike na nagmamakaawa sa'kin habang nag-aagaw buhay.

Inay, 'di ko na alam kung anong gagawin ko.
Pagka kasi nandidito ako sa gyerahan, hindi ko alam kung mamaya o bukas, patay na ako.
Nakakatakot din pala.
Kahit pala sundalo ka, natatakot ka rin.
Umeentra na naman ang pagka-duwag ko.

Inay, natatakot ako.
Hindi para sa sarili ko kundi para sa mga anak ko.
Baka kasi pag nawala ako, mapariwara ang buhay nila dahil wala silang kalalakihang ama, Inay.

.........

Inay, ngayon lang ulit ako nakapagsulat. Nagpaulan kasi ng bala ang kalaban kahapon, Inay.
Inay akala ko katapusan ko na.
Mabait pa rin pala ang Dyos sa akin, Inay.

......

Inay, sa palagay ko tapos na.
Heto na siguro ang huli kong magiging sulat sa inyo.
Buti na lang nailigay ko ang bolpen at liham sa bulsa ko.
Inay, natatakot ako.
Ako na lang ang natitira dito.
Patay na silang lahat, Inay.
Wala na rin akong bala.

Inay, hangang dito na lang siguro ako.
Pakisabi sa asawa't anak ko, mahal na mahal ko sila.
Inay, mahal na mahal ko kayo.

Nagmamahal,
Pan....

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now