Short story#3

46 2 0
                                    

"Bully"   Written by: John Meinard Salamat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Bully"
   Written by: John Meinard Salamat

(Ang short story na ito ay para sa mga taong Binubully at nambubully, Ang layunin ng storyang ito ay para puksain ang nakasanayang gawain ng bawat kabataan sa loob ng eskwelahan,sa magkakabarkada at miski sa magkakapamilya)

Ako nga pala si Roger ang pinakamatalino sa Classroom namin. Simple lang ako,Hindi naman ako nakikiuso gaya ng ibang kabataan kaya siguro napagsasabihan akong Jologs,Nerd,Baduy,Walang kwenta. Lagi nga akong napagtritripan sa klase namin,Hindi naman ako lumalaban.Hindi naman kasi ako pinalaki ng magulang ko na dapat lumaban pag inaapi. Oo. Inaamin ko duwag ako pero ang pagiging duwag ko ay para din naman sa ikapapayapa ng buhay ko, 'yung tipong wala kang kaaway.

Mag-uumaga na ng ginising ako ng aking nanay para kumain at para na rin makapaghanda ako sa pagpasok sa eskwelahan.Pagbaba ko ng hagdanan ay kinausap ako ng tatay ko.

"Roger kamusta na ang pag-aaral mo?"

"Ok lng nman po,Itay"sabi ko.hindi ko naman masabing hindi okay,ayaw ko naman kasi mag-alala ang nanay at tatay ko.

"Ah. Mabuti naman. Roger pag nagTop 1 ka uli sa klase mo ay may
Surpresa kami ng nanay mo sayo"

"Talaga po Itay?"

"Aba'y syempre naman. Proud na proud nga kami ng nanay mo sayo dahil simula bata ka pa lang ay likas ka ng matalino" sabi ni tatay. Atleast naman kahit papano ay napapawi ang lungkot kong nararamdaman kapag naririnig ko ang salitang 'yun na nangangaling sa aking mga magulang.

Nagsalita naman si Inay. "Roger kumain ka na at malalate ka na sa school mo"

Kumain na nga ako,naligo at naghanda na ng mga gagamitin ko sa school atsaka ako nagpaalam sa mga magulang ko para umalis. Sa bawat hakbang ko papuntang school ay nagdadasal ako na sana hindi ako pagtripan ng mga kaklase ko na sana kahit ngayong araw lang ay gumanda ang araw ko. Ngunit hindi pinakinggan ng Panginoon ang panalangin ko dahil papasok pa lang ako ng school ay nakasalubong ko si Jayson,Ang siga sa klase namin at ang apat nyang kasamahan na puro sipsip.

Hinihintay pala nila ako,siguro wala silang mapagtripan kaya naisipan nila akong hintayin  para ipahiya sa mga taong nasa school. Asussual,dating gawi kahit anong gawin nila sa akin hindi ko pinapansin. Habang  ako'y naglalakad ay sinusundan ako ng mga tropa ni Jayson.

Biglang sumigaw si Phillip na parang pang military ang tunog ng salita "SINO JOLOGS"

Sumigaw naman ang tatlo."Si Roger,Si Roger"

Patuloy lang sila sa pagsigaw . Kahit na masakit sakin ay pinipilit ko pa ring ngumiti na parang walang talab sakin ang pang-iinis nila at iniisip ko na lang na imbis na ako ang mapahiya ay sila mismo ang napapahiya dahil nagmumukha silang tanga sa ginagawa nila.

Nang makarating ako sa room ay pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Nang bigla silang nagtawanan at lahat sila ay dinuduro ako. Iba iba ang kanilang sinasabi "Jologs,Nerd at mukhang tanga". Nangingilid na ang mga luha ko ng mga oras na 'yun dahil miski isang kaklase ko ay wala akong kakampi para bang feeling ko ay para akong isang baliw na pinagtatawanan ng mga tao kahit ano man ang gawin.

Gusto ko na sanang umalis ng room na 'yun ngunit ng ako'y lumabas ay nandodoon pala si Jayson.

"Hoy Jologs san ka pupunta?" Sabi ni Jayson sakin.

Naglakad lang ako at 'di ko sya pinansin ngunit tumakbo sya para pumunta sa harapan ko.

"Tarantado ka Ah. Binabastos mo ba ako?" Sabi niya sakin. Uminit na ang ulo ko kaya sinapak ko sya. Tinawag nya naman ang apat na sipsip nyang kasamahan. Pinalibutan nila ako at pinagbubugbog. Walang umawat samin miski ang mga teacher. Ang iba pa nga ay tuwang-tuwa habang pinapanuod ang pambubugbog ng tropa ni Jayson sakin. Natigil lang 'yun ng dumating ang principal. Sa tingin ko,principal lang ata ang kakampi ko sa school na 'yun at sya na rin naghatid sakin hangang sa makasakay ako ng jeep.

Hindi naman ako makauwi dahil makikita ng mga magulang ko ang mga pasa sa mukha ko kaya nagpunta na lang ako sa batis. Tulirong tuliro nako nung araw na 'yun kaya kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko kaya bago akong pumunta ng batis ay bumili ako ng isang paketeng puro 500 mg na gamot at isang gin.

Inilabas ko lahat ng galit ko sa mundo. Nagsisigaw ako,Nagmumumura ako. Nang maubos ko ang Gin ay inilagay ko sa palad ang 15 piraso ng gamot at sabay-sabay ko itong ininum. Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam ako ng hilo 'di pangkaraniwang hilo dahil ang pakiramdam ko ay parang umiikot ako sa mundo at 'dun na nga ako nakatulog.

Nagising na lang ako sa isang maliwanag na lugar at nakita kong nakaupo ang nanay at tatay ko kaya nagsalita ako.

"Nay,Tay asan po ako?" Mahina kong itinanung iyon sa aking magulang.

Nagulat si Itay. Tinapik nya ang nanay ko,"Gising na ang anak natin! Gising na ang anak natin" nang marinig iyon ni Inay napaluha ito sa akin "Anak bakit mo naman ginawa 'yun. Anak magulang mo kami dapat sinabi mo na lang samin"

Napaiyak ako dahil naalala ko bigla ang nangyari sa'kin at ang ginawa ko "Inay binugbog nila ako, pinagtawanan at pinahiya"

Humahagulgol na ang pag-iyak ko nuon na para akong namatayan.

Nagsalita naman si Itay "Anak naparusahan na ang mga gumawa sa'yo nyan. Nasa DSWD na sila at sinabi ng korte na pag tumuntong sila sa tamang edad ay ikukulong na sila sa totoong kulungan" para akong nabunutan ng tinik sa narinig ko at nakahinga akonng maluwag.

Ilang araw lang ay Nakaaalis na ako sa Ospital. Lumipas ang mga araw ay naka move-on na ako sa mga pangyayari.

naiisip ko na mali rin ang desisyon kong pagpapakamatay dahil may mga tao palang handa akong ipaglaban at iyon ang mga magulang ko. Sana hindi ko na lang itinago sa kanila. Responsibilidad kasi nila iyon bilang isang magulang.

After 8 years ay nakatapos na ako ng kursong Entrepeneurship at ngayon CEO na ako ng isang malaking kumpanya at nagmamay-ari na rin ako ng maraming restaurant.

Moral Lesson:

Mahalaga ang buhay wag mong sayangin ito sa isang problema lang kasi kahit gaano pa kabigat ang problema andyan pa rin naman ang magulang mo na aagapay sayo.

Masama ang mambully dahil namamahiya ka at nakakasakit ka ng tao. Tandaan mo kung anong klaseng tao ka na ipinapakita mo sa iba. Iyon din ang repleksyon ang iisipin ng mga tao sa magulang ko

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now