Dagli#18

39 2 0
                                    

"Dad payagan mo na kasi kaming magtanan ni Josh" pagmamakaawa ni Clarrisse sa Ama..

"Magtigil ka!" Umiiling namang tinugon nito sa kanya.

Hindi na napigilan ni Clarisse ang pagtulo ng kanina pa nyang nag-iinit na mata. Sa sobrang kagustuhan n'yang payagan sya nito ay lumuhod sya sa harapan ng ama. "Dad naman payagan mo na ako! Simula ng pinanganak ako sunod-sunuran na ako sa'yo. Wala na ba akong kalayaan? Dad naman hindi mo pa ba naiintindihan? MAHAL KO SYA!"

Sa inis, binagsak ng ama nya ang kamay nito sa lamesa at humarap sa kanya. "Putya! Clarisse ano bang kalandian 'yang natutunan mo! Langya! kinder ka pa lang gusto mo nang makipagtanan? Papuntahin mo nga dito 'yang Josh na 'yan ng maibitin patiwarik."

Nangiti si Clarrise at nag-peace sign. "Sorry na Dad heheheh. Akala ko kasi pwede na, e. Sige Dad, punta lang akong labas, maglalaro lang kami ni Josh ng Burak."

Written by:John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now