Short Story #2

34 2 0
                                    

"Ang Mabuting Masama"        Written By: John Meinard Salamat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang Mabuting Masama"
Written By: John Meinard Salamat

(Ang storyang ito ay may maseselang salita at pangyayari na hindi dapat mabasa ng bata edad 13 pababa)

Lahat tayo,mabuti man o masama ay may kanya kanyang Katangian. Katangian na pwedeng baguhin ng panahon dulot ng isang problemang di mo matangap. Isang problemang akala mo ay 'di mo masusulusyonan,isang problemang ibinigay na pagsubok sayo ng tadhana para malaman kung gaano kang katatag na tao. Ang gusto kong ipahayag sa kuwentong ito ay sa buhay,lahat ng bagay ay may dahilan. Kung paano nagiging mabuti ang masama at kung paano nagiging masama ang mabuti.

-story-

Maganda at mabuti ang nakalakihang pamilya ni Dinggoy, kahit na siya'y ampon lamang ay hindi ito pinaramdam sa kaniya ng mga taong umampon sa kaniya. Naging mabuting bata si Dinggoy sa pangangalaga ng mag-asawang Romualdez. Tinuruan sya ng mga itong tumulong sa mga nangangailangan at tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong din naman sa kaniya.

Isang araw ay kinausap siya ng kaniyang ama.

"Dinggoy nakuha mo na ba 'yung pera sa bangko na iniuutos ko sa'yo?"

"Hindi pa po Ama. Para saan nga po pala 'yung pera na kukuhanin ko"

"Iyun yung ipambibili ng mga pagkain at gagamitin para ipamigay sa mga nasalanta ng bagyong Jose"

"Osige po. Magpupunta na ho akong bangko para makabili na ng mga gamit"

"Ingat ka ato"

Umalis na nga si Dinggoy sa kanilang bahay. Habang siya'y naglalakad ay nakita nya ang isang bata na umiiyak at tila hinahanap ang kanyang magulang. Nagulat siya ng biglang itong tumawid.Napansin naman nya ang isang malaking truck na patungo kung saan nakatayo ang bata kaya mabilis syang tumakbo para ito'y sagipin.Nang makuha nya ang bata ay nagtinginan ang lahat ng tao,nagpalakpakan ang mga ito at siya'y binigyan ng papuri.

Matapos nun ay tumuloy na si Dinggoy papunta ng bangko para kuhanin ang perang iniuutos sa kanya ng kanyang Ama at nang makuha ay agad din naman siyang umuwi. Habang nasa biyahe sakay ng karag-karag na jeep ay napansin nya ang dalawang batang madungis dala-dala ang sakong punong puno ng basura. Naawa si Dinggoy sa dalawang bata kaya naisipan nyang bumaba ng jeep para tulungan at kausapin ang mga ito.

"Mga ato Halikayo" tawag ni Dinggoy sa mga bata.

"Bakit kayo nangangalakal,eh ang bata-bata nyo pa?"

Sumagot ang isa. "Wala naman po kaming magagawa. Pag hindi po kami nagtrabaho wala po kaming kakainin"

Sobrang lungkot ang nadama ni Dinggoy ng marinig nya 'yun sa isang batang paslit. Na kahit sila'y bata pa ay iniisip na nila ang pangkaraniwang iniisip ng matanda. naisip nyang maswerte pa siya na may umampon pa sa kaniyang mabubuting tao dahil kung hindi,marahil ay kagaya nya na rin ang mga batang iyon.Inaya nya ang mga batang kumain sa isang restaurant at ng matapos iyon ay kinausap nya ang mga bata.

Kawalan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon