Hugot #3 & Hugot #4

83 2 0
                                    

Hugot#3

Kakapit ako kahit lumalayo ka na.
Kakapit ako bitbit ang binitawan mong salita na hindi mo ako iiwan.

Kakapit ako dahil minsan mong pinadama sa akin na ako'y mahalaga.

Na ako'y mahalaga.
Na ako'y mahalaga.

kahit ang SAKIT SAKIT na! :'(

-John Meinard Salamat

Hugot#4

Pasensya na kung marami pa akong pasikot-sikot pero sana naman maintindihan mo, Na sa bawat mga kilos mo ay nalilito ako.

"Ano ba talaga tayo?"

Alam kong may pagka-assuming ang tanong ko pero malakas ang loob ko sa nararamdaman ko sayo, sa mga pinapakita mo.

"Mahal mo na ba ako? "

Natawa ka lang. Eto naman akong si Tanga umaasa, nagbabaka-sakaling may kahit katiting na pagmamahal ako sa puso mo.

"Siguro naman minahal mo na'ko? "

Tulog ka na pala! Sorry ha! Pinaghalong lungkot at saya kasi ang nararamdaman ko ngayon.

SAYA-kasi nabigay mo sa'kin ang pangangailangan ko.

LUNGKOT-kasi 'di ko maiwasang isipin na baka pangamot mo lang ako sa KAKATIHAN MO!

"Bakit ako pa? "

Pasensya na ha! mas lalo kasing pinatatagal natin 'toh, mas lalo din akong napapalapit sa'yo.

"Ayoko na!"

Suko na 'ko! Itigil na natin to. Sa larong apoy at pag-ibig nating dalawa, talo na ako. Ikaw na ang nanalo.

Words by:John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now