Dagli#14

28 2 0
                                    

"Ka Balor kaylan ho ba tayo makakain? Tatlong araw na ho simula ng makipagbakbakan tayo sa mga militar at iyun din ang huling araw ng malamnan ang sikmura ng ating mga kabaro--- Nagsisipagreklamuhan na nga sila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ka Balor kaylan ho ba tayo makakain? Tatlong araw na ho simula ng makipagbakbakan tayo sa mga militar at iyun din ang huling araw ng malamnan ang sikmura ng ating mga kabaro--- Nagsisipagreklamuhan na nga sila." ani ni Ruben habang hinihimas ang kumakalam na tiyan.

Bahagyang napahinto ang Kumander, tila may iniisip itong paraan para matugunan ang reklamo nang kabaro.

"Halikayo!" wika nito. Nagsilapitan ang mga ito. "May mga bihag pa ba tayo d'yan?" Tumango si Ruben. "Mga lima, Ka Balor."

Biglang itong napangiti. "Mabuti!" wika nito habang pinaiikot ang dila sa kan'yang bibig-- parang natatakam. "Mamili kayo ng bata't malaman. Patayin ninyo! Iyon ang pagsasaluhan natin ngayong gabi."

written by: John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon