You maybe triggered by this stories #1 & #2

30 1 0
                                    

You maybe triggered by this stories  #1

"Ma penge nga pong five hundred magha-hang out lang po kami sa starbucks ng mga friends ko" masayang winika ni Jodie sa kanyang ina.

"Sige anak" pailing-iling at bahagyang nakangiting binigay ng ina ang pera sa anak.

Agad namang umalis si jodie para makipagkita sa kanyang mga kaibigan at ng magkita-kita ang mga ito ay 'di magkamayaw ang kanilang mga tuwa. Naroon na nakailang take si Jodie ng selfie habang kasa-kasama nito Frappuccinno na binili, sapat na para may mai-post sya sa Facebook ng isang linggo.

Masayang umuwi si Jodie sa kanilang bahay bitbit ang kumakalam na sikmura. Naghimutok sya ng mapansin nyang Tuyo lang ang ulam nila ngayong hapunan.

"Ma bakit naman tuyo lang ang ulam natin? Alam mo namang hindi ako kumakain nyan, eh." Wika nya habang pinapadyak ang paa sa sahig.

"Pasensya ka na anak iyan lang talaga ang kaya ko. Hindi ko naman masabi sayo na 500 na lang ang natitira kong pera kanina baka kasi pag hinindian kita magtampo ka" wika ng ina habang nakayuko.

Written by:John Meinard Salamat

You maybe triggered by this story#2

"Kayamanan"
By: John Meinard Salamat

Isang araw may tatlong magkaklase na nag-a-angasan tungkol sa mga trabaho at ari-arian ng kani-kaniyang mga magulang.

"Alam mo 'yung Papa ko may-ari ng isang restaurant at 'yung Mama ko naman isang stewardess sa isang sikat na airport sa ibang bansa" Pagmamalaki ni Grace sa dalawa nyang kausap.

"Wala pa sa kalingkingan ng Daddy ko 'yang kayamanan ng Papa mo. May-ari kaya sya ng isang Casino at 'yung Mommy ko naman Supervisor ng isang Kumpanya" Pagmamaangas ni Shamsy kay Grace.

Bahagyang nainis si Grace sa sinabi ni Shamsy kaya binaling nya ang atensyon kay Lorna.

"Ikaw Lorna, Anong trabaho ng nanay at tatay mo?" May halong ngising tinanong nito sa kaklase.

"Ang tatay ko ay Isang Balot Vendor at ang nanay ko naman ay Nagsa-sideline sa paglalaba." Taas noong sinabi ni Lorna sa dalawang kausap.

Natawa ang mga ito.

"Ano naman ang kayamanan dun?" Tanong ni Shamsy habang sabay silang tumatawa ni Grace.

"Dahil salat man kami sa pera 'di matutumbasan nu'n ang pagiging buo at pagmamahalan namin bilang isang pamilya at dahil dun sila ang KAYAMANAN ko." Pagmamalaki ni Lorna sa mga nakatameme nyang kaklase.

#JohnMeinardSalamat

Kawalan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon