Dagli #12

29 2 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





"Napanood mo ba 'yung balita sa TV Patrol? Binomba daw 'yung concert ni Ariana Grande, marami daw ang namatay-- karamihan daw ay mga bata." mabilis at garalgal na sinabi ni Joana sa kaibigan nyang si Mich.

"Anooo??? Kawawa naman 'yung mga bata." gulat na tugon ni Mich habang nangingilid ang luha sa mata.

"At alam mo bang binalita rin na nage-gyerahan na daw ang mga militar at Maute group sa Marawi?" balita ulit ni Joana sa kaibigan.

Napahinto si Mich at biglang humagulgol, "Anong nangyari kay Ariana Grande? Okay lang ba sya? Kawawa naman ang Idol ko. Huhuhuhu."

Written by: John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now