Spoken Word Poetry#8 & #9

149 4 0
                                    

Spoken Word Poetry #8

"Yosi"By:John Meinard Salamat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Yosi"
By:John Meinard Salamat

Heto ako, pinupuno ng usok ang nananakit kong dibdib habang inaaliw ang sarili sa malakas na pagtugtog ng musika.

Nagtatanong sa sarili.

Paano kita makakalimutan?
kung sa bawat paghithit ko ng sigarilyo ay naaalala kita at tuluyan ng mananatili sa puso ko pag ang usok ay ibubuga ko na.

Naaalala ko pa kung paano mo ako pigilan at sabihan na ang paninigarilyo ay masama.
kung paano mo agawin at itapon ang yosing 'di ko pa natatapos hithitin.

Dahil sa kapipigil mo, naniwala ako.
Ang tanging bisyo na nagpaligaya sa'kin ng matagal na panahon ay tinalikuran ko.

Para sayo kasi mahal kita,
At ayaw kong isipin mo na sa simpleng bisyo ay ipagpapalit kita.

Kasabay ng paniniwala ko na ang pagyoyosi ay masama ay ang paniniwala ko rin na ang ating relasyon ay magtatagal pa.

Pero hindi pala.

Dahil ang pag-aakala ko na tayo na talaga ay naglaho, nang mahuli ko kayong dalawa na magkahawak ang kamay at tila ninanamnam ang labi ng isa't isa.

At tuluyan ng bumagsak ang luha sa aking mga mata at sinabi sa sarili na "Ang tanga mo talaga"

Ako'y natauhan.

Ang paniniwala ko sa sinabi mong ang paninigarilyo'y masama ay mali pala dahil ang masama ko talagang ginawa ay 'yung mahalin ka.

Patuloy at patuloy na nasasaktan, na sana ay mas pinili ko na lang ang bisyo ko kaysa maniwala sa pinagsasasabi mo.

At heto ako, sisindihan na naman ang isang palito ng sigarilyo para alalahanin ka, upang ang lahat ng sakit at hinagpis na ibinigay mo ay isasabay ko na sa usok, ibuga.

Spoken Word Poetry#9

"Papatay ako"Ni: John Meinard Salamat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Papatay ako"
Ni: John Meinard Salamat

Dahil sa paniniwala ko papatay ako.
Papatay ako.
Papatay ako.
Hangang sa magsisi ako.
Magsisi dahil hindi pala lahat ng paniniwala dapat ay ipinaglalaban.
At Hindi lahat ng pinaglalaban ay dadaanin sa madugong labanan dahil kailanman walang nanalo sa karahasan.
Walang nanalo.
Walang nanalo.
Hangang sa mapag-isip-isip ko na nagamit lang ako ng impluwensya at maling pag-aakala.
Pag-aakalang etong mga kamay na ito na madalas kong ginamit sa pakikipagbakbakan ay makakapagdala ng kapayapaan.
Pero hindi pala.
Dahil etong mga kamay na ito ay nagamit upang kumitil ng buhay ng mga taong kagaya ko na mali ang ipinaglalaban.. :(

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now