Spoken Word Poetry #10

142 2 0
                                    

"Nandiyan Ka Pala"Ni: John Meinard Salamat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nandiyan Ka Pala"
Ni: John Meinard Salamat

Hindi ko alam kung paano uumpisahan 'toh. Kung sisimulan ko ba sa mga tanong na "totoo Ka ba?" o "bakit hindi Kita maramdaman?".

Sige.

Sisimulan ko sa tanong na, "totoo Ka ba?"

Inaamin ko sinisisi Kita sa tuwing binibigyan Mo ako ng malalalim na pagsubok sa buhay.

Pasensya na, pero minsan napapaisip ako kung Nandidiyan ka ba talaga para mahalin ako o nandidiyan Ka lang ba para saktan ako.
Minsan nga napagsasabihan pa kita ng "akala ko ba Dyos Ka ng pag-ibig, eh bakit ako umiiyak ngayon?"

Alam Mo bang naiinggit ako tuwing nakakakita ako ng taong masaya dahil nandu'n ka sa buhay nila, dahil nandu'n ka at niyayakap mo sila samantalang ako nag-iisa, umiiyak at nagpapadala sa problema.

At dahil du'n nagsimula na akong magtanong ng "Bakit hindi Kita maramdaman?" at "Bakit puro na lang sila, Walang ako?"

Nagsink-in na sa utak ko na kailanman hindi mo ako minahal. Na kailanman hindi Mo ako itinuring na anak.

alam mo ba kung ano pa ang masakit? 'yung nakakakita ako ng ibang tao na umiiyak dahil nararamdaman nila ang pagmamahal Mo ngunit ako nakatingin lang sa malayo, nag-aasam at tila napapaisip nang, "Sana ako na lang sila." :'(

Nasaan ka na ba?
Nilalamon na ako ng bisyo at problema pero bakit hindi pa rin Kita maramdaman? Wala ka bang pakielam?

Bigla ko na lang naaalala, Matagal-tagal na nga rin pala nu'ng una kitang makilala. Oo, nararamdaman kita.
Masaya ako sa piling mo.
Masaya ako na nandidiyan ka.
Masaya ako kasi nararamdaman kita.

Pero ako pala 'yung Nagbago.

Ako nga pala 'yung humiwalay Sa'yo.
Ako nga pala 'yung nandedma Sa'yo.
At habang nagpupumilit kang lumalapit Sa'kin, ako naman 'tong lumalayo.

Mas pinili pa nga Kita sa mga gimik at bisyo ko, eh.
Nagpadala ako sa panandaliang ligaya.
Nagpadala ako sa mga bagay na wala Ka.

at du'n ko lang na-realize na ang isang tao pala na walang pag-ibig ng Dyos ay walang patutunguhan.

Heto ka na naman, Muli mo na naman akong nilapitan.
Pinaramdam mo na naman na nandidiyan Ka.
Na mahal Mo 'ko.
Na kahit na nagkasala ay tinanggap Mo pa rin ako.

Maraming salamat dahil sinagot Mo ang mga tanong ko sa'yo.
Ngayon naniniwala na ako, Na nandidiyan Ka pala talaga lagi sa tabi ko.

Kawalan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon