Hugot#22 & 23

32 2 0
                                    

Hugot#22

Badtrip! Nag-away na naman kami ni Josie. Haay! Bakit ba kasi ganun ang mga babae, minsan hindi mo alam kung ano ang gusto at hindi. Umuwi tuloy akong nagpapalatak ng dila sa sama ng loob.

Binuksan ko ang pinto. Walang tao. Nakita kong bukas ang ilaw sa kwarto ng kapatid ko, malamang tulog na 'yun. Pumasok ako ng kwarto ko at in-on ang laptop, baka kasi nagchat na sya sa'kin, nagso-sorry; hindi ko alam kung bakit pa ako umaasa. Lumamig ang hangin kasabay ng pagpatak ng kanina ko pang nag-iinit na mata. Masakit. Napakasakit. Bakit ganun si Josie? Kung nandidito lang sana si Mama.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng marinig kong bumukas ang pinto. Si Mark, kapatid ko. Parang may halong takot sya na may pag-aalala ng makita ako.

"K-Kuya, si Mama n-nasa likuran mo; n-nakayakap sa'yo."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot. Matutuwa dahil sinasamahan ako ni Mama sa problema ko o matatakot dahil matagal na syang patay.

Written by: John Meinard Salamat

Hugot#23

Hindi ko alam kung tama ba 'yung ginawa ko o baka nadala na lang din ng nararamdaman ko. Siguro, nasanay na lang din ako, na kapag nagcha-chat ako sa'yo ng "kamusta ka na?" "Hi!" "Mahal nga pala kita" ang reply mo "seen 9:47 pm" tas bigla ko na lang makikita sa messenger mo na, "active 1 minute ago"

Okay lang naman sa'kin masaktan kung sinasabi mo sa'kin ang dahilan. Katulad na lang pag sinabi mong, "Hindi kita type, sorry, ha?" O 'di kaya "Pasensya na, hindi ako tumatanggap ng manliligaw ngayon, eh." Pero 'yung iparamdam mo sa'kin na hindi ako mahalaga at parang hindi mo ako nakikita pag nakakasalubong kita, masakit sa'kin 'yun. Masakit sa'kin.. Masakit.. Masakit palang magbigay ng isang bagay na walang kasiguraduhan kung maibabalik sa'yo."

Written by: John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя