Kasabihan#14 & #15

18 1 0
                                    

Kasabihan #14

Kahabag-habag naman 'yang puso mong napapagal. Kahit na pinagsasaksak na ng masasakit na salita ay hindi pa rin maka-asta--ni hindi makasigaw. kaya't kahit anong pagpupumiglas nitong makawala sa mapoot na rehas na pinaglalagakan n'ya; hindi pa rin sya makakatakas dahil 'd'yan lang s'ya nakalaan; d'yan lang s'ya mabubuhay.

At kahit humingi man sya ng tulong sa nakatataas; hindi pa rin n'ya maiiwasan ang hagupit ng realidad sapagkat, ang mga taong kagaya ng nagmamay-ari sa pusong napapagal na mapagkunwari ay nagkikimkim, nagtitiis at nagtatago sa hapdi ng nakaraan.

Written by:John Meinard Salamat

Kasabihan #15

Siguro, kaya sinisugal natin ang isang bagay kasi naniniwala tayong kaya natin 'yun ipanalo, na kaya nating tsumamba man lang sa buhay ng kahit kaunting balato, pero hindi pala, dahil nakakalimutan natin na buhay nga pala ang sinusugal natin. Nakakalimutan natin na sa buhay: sumugal ka man o hindi, magpakatino ka man o magpakasama, maging mayaman ka man o maging mahirap pare-pareho pa rin tayong talo. Pare-pareho pa rin tayong alipin ng mundo.

-John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now