Kasabihan#16

22 1 0
                                    

Nagkakanda-ihit sa kakatawa si Ben nang makita nyang nasira at nalaglag sa kinauupuang duyan ang kaibigan n'yang si Carlo ngunit sa kabila nito ay bigla syang nagtaka dahil hindi man lang umimik o ininda ng kaibigan n'ya ang pagkakalaglag nito. "Pre bakit parang hindi ka ata nasaktan sa pagkakahulog mo sa duyan?"

Nangingilid ang luhang tumingin si Carlo sa kan'ya, "P're sa simula't sapol alam ko na, na kapag nalaglag ka, masasaktan ka. Kaya nung umupo ako sa duyan na 'yun; hinanda ko na ang sarili ko; para sa oras na 'di kayanin ng tali ang bigat ko at malaglag ako sa duyan na kinauupuan ko atleast nakapaghanda ako, atleast alam ko, at sa gayon ay matatanggap na nang katawan ko ang sakit na dulot ng pagkakahulog ko."

Written by: John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Where stories live. Discover now