Spoken Word Poetry#4

172 3 0
                                    

"Mata sa mata"By: John Meinard Salamat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mata sa mata"
By: John Meinard Salamat

Sa bawat pagputok ng baril maraming hininga ang mapipigtas.
Sa bawat balang tatama maraming pamilya ang mangungulila.
Nasaan na ang pag-ibig sa Lupang Sinilangan.
Kung magkakalahi ang syang nagpapatayan.

Hindi pa ba sapat ang kalayaan para sa inaasam nating kapayapaan?
Dahil kung karahasan ang paraan tyak wala itong patutunguhan.
Saksi ang langit sa mga luhang umaagos sa kanilang mga mata.
Para lang sa pinaglalaban buhay ang itataya.

Kristyano sa Muslim,
Muslim sa Kristyano.
Kahit iisa ang pinagmulan.
Sila sila din ang nagyuyurakan.

Sa tagal ng panahon ng pakikipagbakbakan
May nangyari na ba sa inyong pinaglalaban?
Maraming buhay lang ang nasasayang
Dahil sa kanya kanyang mga  pinaniniwalaan.

Kailanman walang nananalo sa karahasan Patunay na dito ang sinapit ng ating Inang Bayan.
Kung 'di natin sisimulan ang pagkakaisa marami pa ring buhay ang mawawala.
At hangang matapos itong tula, sa suliranin ng bansa ako'y magbibigay ng isang kataga.
"Na kailanman hindi matutumbasan ng paniniwala ang kahalagahan ng isang Bansa"

Kawalan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon