Kasabihan #17

27 2 0
                                    

"Dad bakit po sila pumapatay ng tao?" Tanong ng siyam na taong anak ni Ricardo sa kaniya matapos mapanuod ang balita tungkol sa mga terorista na nangugulo sa isang syudad.

Hinaplos n'ya ang buhok ng anak, "Pagkat sila'y mga bulag, anak."

Nagtaka ang bata, "Ha? Paano po sila naging bulag Dad, eh kitang kita naman po roon na nakakakita sila?"

Napabuntong hininga siya, "Dahil mas pinili nilang maging bulag kaysa harapin ang katotohanang nakakakita sila."

Kitang kita ni Ricardo sa mukha ng anak ang paghihimay nito sa mga bitiwan n'yang salita.

"Ganto na lang anak, pumikit ka." Pumikit ang bata. "Ano ang nakikita mo?" Sumagot ang bata, "Wala po, Dad."

Sabay-sabay itinaas ni Ricardo sa kan'yang kamay ang kan'yang hinlalato, palasingsingan at hinliliit. "Ngayon anak, maniniwala ka bang lima ang nakabuka sa mga daliri ko?"

Napabuntong hininga ang bata, "Opo, Dad, kasi ikaw lang po ang nakakakita, eh."

"Dumilat ka na." Unti-unting binukas ng bata ang kaniyang mga mata at nagulat sa nasaksihan, "Iyan ang sinasabi ko sa'yo anak. Kagaya mo, mas pinili nilang maging bulag kahit hindi naman sila pinagbabawalang ibukas ang kanilang mga mata; Mas pinili nilang digtahan sila ng paniniwala kaysa saksihan ang katotohanan ng buhay."

Dahan-dahang tinapik ni Ricardo ang balikat ng kan'yang anak, "Tandaan mo anak pag ang isang tao ay sarado ang utak, kung ano lang ang gusto n'yang paniwalaan, Iyun lang ang kanyang paniniwalaan"

Napanganga na lang ang bata sa pagkamangha sa mga narinig n'ya sa kan'yang ama.

Written by: John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon