Hugot#20 & #21

28 2 0
                                    

Hugot#20

Sana sa muling pagpikit ng aking mga mata ay makalimutan ko na lahat.
Lahat... Lahat...
At sana pagising ko sa umaga ay naiwan na sa panaginip ang lahat ng sakit na naiipon ko sa dibdib, at kahit papaano ay makitaan ko man lamang ang aking bibig nang kahit kapiranggot na ngiti..
Sana...sana...
Sana matapos na...

-John Meinard Salamat

Hugot#21

Kung alam ko lang na ikaw ang dahilan ng pag-iyak ko tuwing gabi edi sana hindi na lang ako nagsayang ng oras para mahalin ka.

Kung alam ko lang na para sa'yo, may hihigit pa pala sa'king iba edi sana hindi na lang ako sumugal.

Kung alam ko lang na masasaktan lang ako dahil sa pagmamahal ko sa'yo edi sana sinanay ko na lang ang sarili kong mag-isa.

Pero salamat pa rin, nang dahil sa'yo natuto akong maniwala at magtiwala.

Maniwalang mamahalin mo rin ako at magtiwalang ako lang ang mahal mo kahit puro pananakit at pagdurusa ang ginanti mo. :(

-John Meinard Salamat

Kawalan (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя