Intro

34.7K 1K 130
                                    

Intro

Nasa harap ako ng kapitolyo ng Setra. Mapapansin na maraming tao dahil sa bawat tahanan ay may isang pupunta. Nakakapagtaka lang kung bakit kami pinapunta ng duke dito.

"Avi! Nandito ka rin ba dahil sa relief goods?" Napabaling ako kay Peter na natatawa.

"Tsk, nalaman mo agad na may ibibigay?"

"Ako pa ba?"

Napairap ako sa kanya. Siguro ay gumamit na naman siya ng ability niya. Si Peter ay may kakayahang mag-invisible. Mas malaya siyang nakakakilos dahil sa ability niya. Hindi katulad ng akin na ice ability—agaw-pansin, nakakapagdulot ng gulo.

"'Pag talaga pagkain, hindi mo pinapalagpas," taas-kilay kong sabi.

"Nagsalita hindi." Tumaas ang sulok ng labi niya.

Napailing na lang ako. Sabagay totoo naman. Kung ibibigay naman, aangal pa ba ako?

Simula't bata, magkasama na kami ni Peter sa Setra. Sabay kaming lumaki na mulat sa kahirapan. Tampulan ng tukso dahil isa kaming Setran—mahirap at walang ability. Pero nagkakamali sila dahil may naligaw sa Setra na kayang gumamit ng ability—tulad ko at ni Peter.

Naagaw ng atensyon namin nang dumating si Duke Louis, namumuno sa Setra kasama si Duke Godric. Saka sabay silang umakyat sa entablado.

"Magandang araw sa inyong lahat mga Setran," masiglang bungad ni Duke Louis. "Nandito ako upang sabihin dahil sa pagkamatay ni Haring Arthur ay napagpulungan na ang hari na ng Astria ay si Haring Godric. Matutulungan niya tayo upang mapaunlad ang Setra."

Napuno ng bulungan ang paligid nang marinig 'yon.

Ilang buwan na rin kasi na walang hari ang Astria dahil sa pagkamatay ni Haring Arthur sa sakit. At ngayon ay papalitan ito ni Duke Godric.

Natuon ang atensyon ko sa bagong hari matapos umabante nito palapit sa amin. Nakasuot siya ng gintong korona na may malaking pulang diyamante sa gitna. Halos magningning din ang damit niya dahil sa nakapalamuting maliliit na diyamante.

Taas-noong tumingin siya sa amin. "Mga Setran! Nandito ako sa inyong harapan para iparanas sa inyo ang mundong walang kahirapan. Lahat ay pantay-pantay."

Mayamaya ay may mga lumapit sa 'min na mga kawal na binigyan kami ng mga supot ng pagkain, sa tingin ko ay kakasya ng isang linggo.

"Sabi ko sa'yo e," bulong ni Peter na ngiting-ngiti. Hindi ko maiwasang matawa sa inaasta niya. Iyon talaga ang habol niya.

Hinawakan ni Duke Godric ang makapal niyang balbas saka ngumiti. "Hangga't ako ang inyong hari, mananatili ang kapayapaan sa Astria," dagdag nito.

"Hail King Godric!" sigaw ni Duke Louis kasabay nang pagtaas ng kanang braso niya at masigabong palakpakan ng mga tao.

Pero ang akala kong tutulong sa amin na bagong hari ay siya rin pala ang magsisimula ng kalbaryo namin sa Astria.

________◇◇◇________

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon