Chapter 20: Eadratross Leaves

8K 432 24
                                    

Chapter 20: Eadratross Leaves

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin.

Nandito ako ngayon sa dati kong silid sa palasyo ni Clyde. Dito na ako nakatulog dahil hindi niya ako pinayagan umuwi sa mga Zedler, maggagabi na raw.

Napabuga na lang ako ng hangin nang maalala ang nangyari kagabi. Bakit ko ba siya niyakap? Napailing na lang ako sa kahihiyan na ginawa ko. Nababaliw na ata ako.

Tumayo na lamang ako at inayos ang aking damit saka dumiretso sa may pinto ng silid. Dahan-dahan akong sumilip sa magkaibang direksyon kung may tao. Mukha naman wala kaya dumiretso ako pababa ng hagdan.

Magtutuloy pa sana ako nang lakad palabas nang makita si Clyde na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo sa sala. Pinagpatuloy ko ang paglalakad at maingat na dumiretso sa pinto papalabas.

Bubuksan ko na sana ang malaking pinto nang may tumawag sa 'kin. Mariin akong napapikit at humarap sa kanya.

Ngumiti ako nang pilit. "B-Bakit Clyde?"

"Kumain ka muna bago umalis."

"Hindi pa ako nagugutom, uuwi na ko." Hinawakan ko na ang door knob para makalabas nang muli siyang nagsalita.

"I insist," malamig na sabi niya kaya nagawi ang tingin ko sa kanya. Nakatingin siya nang diretso sa 'kin na para bang kapag hindi ko siya sinunod ay lagot ako, kaya naiinis ako na lumapit sa kanya at umupo sa tapat nito.

Pinakuha niya ang tagasilbi ng kakainin ko na mabilis naman na dumating at bumalik siya sa pagbabasa ng dyaryo.

Napatitig ako kay Clyde. Buti pa siya maganda ang gising. Maaliwalas ang ayos nito at mukhang maganda ang aura. Samantala ako, mukha akong bangag.

Nagulat na lang ako nang ibaba niya ang dyaryo at tumaas ang sulok ng kanyang labi.

"Baka malusaw ako niyan."

Napairap na lang ako sa kayabangan ng lalaking ito.

"Dustin, nandyan ka na pala." Nabaling ang tingin ko kay Dustin. Nagtatakang tumingin ito sa akin na para bang nagtatanong kung bakit ang aga-aga nandito ako.

"Nahanap mo ba?" tanong ni Clyde.

"Patawad mahal na prinsipe, pero wala po akong natagpuan." Tumango si Clyde kasabay nang pag-alis ni Dustin.

"Mahirap talagang hanapin ang eadratross leaves," naiiling na sambit niya.

"Ano 'yon?"

"Eadratross leaves is the best way to fake illness."

"At saan mo naman gagamitin?"

"Para sa hari." Ngisi niya. "Naalala mo ba kung ano ang sinabi ng hari no'n?"

"Malakas pa siya at walang papalit sa kanya." Tandang tanda ko pa 'yon.

"Exactly. Malakas pa siya kaya kailangan niya ng pekeng sakit para may pumalit sa kanya."

"Bakit pekeng sakit pa, ba't hindi na lang natin siya bigyan ng literal na sakit o lasunin?"

"Avianna." Napailing siya sa sagot ko. "Kapag namatay siya sa lason o kung anuman na klaseng sakit, sa tingin mo ba hindi mag-iisip ang tao na sinadya ito nang pumalit sa hari. Sisihin nila ito, hindi sila titigil hangga't 'di nila malaman na maparusahan siya."

"Ano naman pakialam mo sa kanila, kung nasa 'yo na ang korona, wala na silang magagawa."

Tumingin siya nang diretso at nawala ang ngiti sa labi. "Ayoko na iba ang magsuot sa 'kin ng korona. Gusto ko siya mismo ang magbigay."

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon