Chapter 51: Escape Plan

6.1K 379 182
                                    

Chapter 51: Escape Plan

Napakurap ako ng dalawang beses dahil hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya. Tama ba ang nakikita ko?

Nakarinig ako ng tawag mula sa radio transceiver. "Your highness, may nakapasok pong dayo, dumiretso po siya sa palasyo n'yo mismo."

"Huwag na kayo magpadala ng kawal. Ako na bahala sa kanya," sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki.

Pinatay ko ang radio transceiver saka pinagmasdan ang kabubuan niya. Mapapansin na maraming nagbago sa kanya. Lumaki ang katawan niya mula sa pagiging patpatin. Makikita rin ang mga tattoo niya sa braso. Nagpakulay rin ito ng buhok—mula sa itim ay ginawa niyang ash brown.

Tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala sa nakikita. Sino ba naman hindi? Alam nila patay na ako.

Agad siyang lumapit sa akin at mahigpit na niyakap. "Avi, akala ko patay ka na..."

"Peter...Paano ka nakapunta rito?"

Umalis siya sa pagkakayakap. "Nang maabot sa akin ang sulat, agad kong hinanap kung sino ang nagbigay saka sinundan siya. A-At tama nga ang nasa sulat, b-buhay ka." Iyon ang pagkakamali ko sa pagpunta ni Marydale sa Astria. Pinaabot ko kay Marydale ang sulat na hindi dapat malaman ni Peter na sa kanya galing. Pero hunter nga pala si Peter at madali lang niya nasundan ito. Idagdag pa na may ability na invisible si Peter kaya hindi agad nalaman ng mga kawal na may nakapasok na dayo rito.

"Totoo bang empress ka na rito?"

Tumango akong nakangiti. "At totoo rin ba na isa ka ng hari ng hunters? At may asawa na?"

Napakamot ng batok si Peter. "Totoo 'yon lahat."

Tama nga ang nakalap kong balita. Isa ito sa rason kung bakit ko pinapunta si Marydale sa Astria para malaman kung totoo ang balita na buhay pa siya. Masaya ako kay Peter dahil ang dati lang niyang pangarap maging duke. Pero heto na siya ngayon. Hindi lang sa Ester namumuno kundi sa buong hunters. Kaya pala, magaling siyang makipaglaban no'n. Nasa lahi na pala niya. Sinong mag-aakala na ang matagal niya nang hinahanap na ama ay hari pala ng assassins?

Napatingin ako sa paligid baka may nagmamasid kaya pinatuloy ko na lang siya sa aking silid. Mabilis kong sinarado ang kurtina at pinaupo si Peter sa sofa habang ako naman ay umupo sa may kama.

"Ano ang nangyari sa'yo, Avi? Paano ka nakaligtas?" sunod-sunod na tanong niya. "Ang alam ng lahat ay pinatay ka na ni Clyde." Halos isuka niya ang 'Clyde' sa pagbigkas ni Peter.

"Mahabang istorya pero walang kasalanan si Clyde."

Tumaas ang kilay ni Peter na mukhang gustong ipaliwanag ko ang lahat. Napabuga na lang ako ng hangin at ikinuwento ang lahat ng nangyari. Simula nang pagpapanggap ko bilang Celestine hanggang sa naging empress ako sa Marren.

"Sorry, Avi. Hindi kita nabalikan. Kung alam ko lang, hindi mam⁠—"

Hinawakan ko sa kamay si Peter. "Hindi mo kasalanan. Kasalanan ko dahil naging mahina ako."

"Avi..."

Ngumiti ako sa kanya at iniba ang usapan. "Alam mo na siguro kung bakit pinadalhan kita ng sulat?"

Tumango ito. May kinuha siya sa kanyang itim na coat at ipinakita sa akin ang puting sobre.

"Gusto mong mapabagsak ang hari at kailangan mo ng tulong ko."

"Exactly. Kung si Marydale lang ang papupuntahin ko ro'n. Magiging limitadong impormasyon lang ang makukuha ko. Hindi tulad mo, isa ka ng duke sa Astria, mas malalaman ko ang bawat galaw ng hari."

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon