Chapter 40: An Empire

7.1K 460 99
                                    

(Unedited)

Chapter 40: An Empire

Ilang bote na rin ang naiinom ko. I'm a little bit tipsy. Tumayo ako at naglakad nang may tumawag sa akin. Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad paalis sa bar na 'to.

Hanggang sa umikot ang paningin ko. Muntik na kong mawalan ng balanse nang may umakay sa akin. Nilagay niya ang braso ko sa kanyang balikat at saka inalalayan. Si Amethyst. Hinayaan ko na lamang ito patungong labas.

"Clyde, where's your key?" alalang tanong niya matapos namin tumungo sa sasakyan. Inalis ko ang braso ko sa kanya at kinuha sa bulsa ang susi. Akmang bubuksan ko na ito nang hawakan niya ang kamay ko.

"Are you okay to drive? I mean..."

"I can handle myself."

"Pero—"

"What are you doing here, Amethyst?" I interrupted her.

Yumuko siya. "Bumalik na ang tunay na Celestine, kaya gusto ko siyang kumustahin. Isa pa, nabalitaan ko ang nangyari..." Umangat ang tingin niya sa akin. "Alam kong masakit ang nangyari pero tama lang ang ginawa mo, Clyde. She did something wrong kaya dapat lang parusahan siya," determinadong sabi ni Amethyst habang hawak-hawak ang braso ko.

Nilipat nito ang paghawak sa mukha ko. "Kalimutan mo na siya, ako na lang." Lumapit ang mukha niya sa akin habang unti-unti nitong nilalapit ang kanyang labi sa labi ko. Bago pa mangyari ang gusto niya, marahas ko siyang hinawakan sa balikat at inilayo sa akin. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.

"Don't do that again," diin kong sabi kasunod nang pagbukas ng pinto ng kotse.

"What happened to you, Clyde?" Tila may hinanakit sa boses niya.

Binalingan ko siya at napansin kong lumuluha na ito. Kumalat na ang itim na tinta sa kanyang mukha. "Bakit kahit anong gawin ko, hindi mo ko hinahayaan makapasok sa puso mo?" Lumapit siya sa akin at pinapalo ang dibdib ko.

"Bakit kahit gumawa na siya nang masama sa'yo? Ba't siya pa rin? She's only a commoner. A peasant. A criminal!" galit na sigaw ni Amethyst sa akin.

Hinawakan ko ang dalawa niyang pulsuhan para tumigil sa ginagawa.

"Because I can be myself around her. She accepts me for who I am."

Her teary eyes widened in shock. Dahan-dahan kong binitawan ang kanyang kamay at sumakay ng kotse upang umuwi na sa palasyo.

---

Pagpasok ko sa palasyo, naabutan ko si Isla na nakaupo sa couch. Tama nga ang sinabi ng mga kawal na nandito siya at kanina pa naghihintay. Bakit ba halos lahat sila ay gusto akong kausapin ngayong araw?

Umupo ako sa couch katapat niya. "Bakit ka nandito?" tamad kong sabi.

Umayos nang upo si Isla. "Tungkol po kay Celestine. Parang may kakaiba sa kanya. Simula nang dumating siya sa Zedler, hindi ko siya makausap ng matino. Palagi niya akong iniiwasan."

"Bakit ako ang sinasabihan mo?" iritado kong tanong.

"Kuya Clyde, hanggang ngayon pa rin po ba? Wala po ba kayong balak—"

Tumayo ako para tumungo sa silid ko sa taas. Ayoko nang makarinig pa kung bakit ako nagkakaganito.

"Okay lang naman Clyde..." Napaharap ako kay Isla dahil sa pagiging matapang na boses niya. Kumpara kanina ay mas diretso ang tindig nito. I furrowed my brow at her. Why is she acting weird all of a sudden?

"Pero yung wala kang gawin, sinayang mo lang ang pagsasakripisyo niya. She died for nothing!" galit na galit na sabi nito kasunod nang pag-alis niya sa palasyo.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon