Chapter 4: Who Are You?

12.5K 557 49
                                    

Chapter 4: Who are you?

"...One h-hundred ninety-four.
O-ne hundred ninety-five.
One h-hundred ninety-six.
One h-hundred ninety-seven," hinihingal kong sabi habang nagpu-push-up.

Nandito kami sa training room ng prinsipe. Ang daming teknolohiya na ma-e-enhance 'yung skills ko pero iba ang ginagawa ko.

"Ano? Pagod ka na?!" sigaw ni Dustin.

"Nakakapagod kaya," bulong ko pero mukhang 'di nakatakas sa pandinig niya.

"Ayaw kong makakarinig ng pagrereklamo. Dagdagan mo pa ng isang daan!"

Ano?! Mukhang 'to yata magiging dahilan ng kamatayan ko.

"Mukhang nagkakasiyahan yata kayo diyan." Biglang sulpot ni Clyde. Ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagpu-push-up.

Habang si Dustin yumuko bilang paggalang. Saka bigla akong sinipa kaya nawalan ako ng balanse.

"Ano bang problema mo!" sigaw ko.

Pinanlakihan ako ng mata ni Dustin. "Nandito ang prinsipe," diin niyang sabi.

So? Nakikita ko, hindi ako bulag. Umikot ang bilog ng aking mga mata kay Dustin. Tumayo na lang ako at bumaling kay Clyde.

"Prinsipe Clyde! Nandito pala kayo? Hindi mo naman sinabi na dadating kayo," sarkastiko kong sabi.

"No need. Baka magpaganda ka pa." Gumuhit ang ngisi sa labi ni Clyde.

Bumaling ito kay Dustin at sumeryoso ang mukha. "I came here to inform about something, privately."

Tumango na lang si Dustin at sumunod kay Clyde. Akala ko tuluyan na silang aalis nang huminto si Dustin at sumulyap sa akin. "Ituloy mo ang ginagawa mo habang wala ako, Prinsesa Celestine." Hanggang sa narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.

Celestine. Kailangan ko na masanay sa pangalan na 'yon.

Bumalik sa aking isipan ang seryosong itsura ng dalawa bago umalis. Mukhang importante ang pag-uusapan nila. Hindi ko alam at kusa akong lumabas sa silid at sinundan sila. Dahan-dahan akong naglalakad hanggang sa tumungo sila sa throne room saka sinarado ang pinto. Tsk!

Lumapit na lang ako sa may pinto at pilit pinakinggan ang usapan nila, pero wala akong marinig kaya nilapit ko ang tainga sa pinto at muling silang pinakinggan.

"Darating ang hari dito sa pal"

"Ano ang ginagawa mo?" biglang tanong ng pamilyar na boses. Unti-unti akong humarap kung saan nanggaling ang boses at napaayos ng tayo nang makita si Miss Eleonor ito.

Ngumiti ako nang pilit. "Wala lang po." 

Seryoso siyang tumingin sa akin. "Pupunta sana ako sa training room para sunduin ka."

"Po?" gulat na tanong ko.

"Utos ng prinsipe na kailangan mong gumalaw na parang prinsesa, remember?"

Alanganin akong napatango. Oo nga pala, bukod sa training ni Dustin ay meron din na training kay Miss Eleonor.

"Sumunod ka sa'kin kaysa nakikinig ka sa kanila." Napangiwi ako. Sabi na, hindi uubra ang pagsisinungaling ko.

Sumunod ako sa kanya at dinala sa silid kung saan inayusan ako noon. Kinuha niya ang mahabang dress at sapatos na may mahabang takong sa may closet saka pinasuot sa akin. Haist! Ang hirap talagang maging babae.

"First step, kailangan mong maayos ang walking and posture mo. You should walk with books on your head without holding on it," utos niya sabay abot sa akin ng tatlong libro.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon