Chapter 3: Prince's Plan

14.2K 608 36
                                    

Chapter 3: Prince's Plan

"Gusto mo ba makalaya?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Clyde. Pwede na akong makalaya. Mahahanap ko na sila Lola. Hindi ko maiwasang mapangiti. Pero agad din 'yon naglaho nang makita ang nakakainis na ngisi ng nasa harap ko. 

Mukhang may binabalak siya at dapat unahan ko 'yon.

Umaatras ako at mabilis na tumakbo, nang mahigpit hinawakan ni Dustin ang braso ko at marahas hinila palapit sa trono ni Clyde.

"You are really something, huh?" Mahinang napatawa si Clyde. "You're too bold even I'm holding your freedom."

Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. "At ano naman ang kapalit?" iritadong tanong ko. 

Ngumisi siya kasunod nang pagkrus niya ng kanyang hita. "Gusto kong magpanggap ka bilang anak ng mga Zedler." Napakunot ang noo ako. Nababaliw na ba siya?

"Patay na ang anak ng mga Zedler at alam 'yon ng buong kaharian."

"That's the reason why I want you to adopt the persona of Princess Celestine. You're the perfect person for that—may ice ability ka at matagal ka ng patay."

Tama siya ang Zedler ay kilala na may ice ability katulad ko. Pero ako? Patay? Napatawa ako nang pagak. Bulag ba siya? Buhay na buhay ako. Nasiraan na talaga ng bait ang prinsipe. 

"Kinulong n'yo lang ako at hindi pinatay."

"Tama ka. Pero ang alam nila patay ka na." Muli siyang ngumisi. "Pinalabas namin na patay ka na para hindi ka na hanapin ng hari. Hindi rin nila alam ang itsura mo kaya madali mong magagawa ang inuutos ko."

Napamura na lang ako sa aking isipan. Paano sila Lola? Ang alam nila ay patay na ko. Nag-aalala ako kay lola.

Napataas siya ng kilay nang mapansin niya siguro na hindi ako natutuwa sa sinabi niya.

"Don't worry about it. If you agree, I'm willing to set you free. Makakabalik ka sa dati mong buhay. Makakabalik ka na sa Setra."

Nagngitngit ang aking mga ngipin. "Paano ako babalik sa Setra, kung sinira n'yo na 'to? At bakit mo ko pinalabas na patay na? Kinakalaban mo ba ang hari?"  

Balak ko pa sanang tumungo mismo sa trono niya para masuntok siya pero mariin ang hawak ni Dustin sa braso ko. Kung wala lamang posas ang kamay ko malamang nasuntok ko rin 'to.

"Ang totoo, gusto kong maging hari, gusto kong kunin ang dapat sa'kin. Gusto kong ibalik sa dati ang Astria. At magagawa ko lang 'yon kung tutulungan mo ko." Napailing na lamang ako sa pinagsasabi niya.

"Kahit ikaw pa ang maging hari 'di na babalik sa dati ang kahariang 'to. Lahat kayong mga Aclarian ay mga gahaman; walang ibang hinangad kundi tapakan ang mga walang kalaban-laban!" 

"Ingatan mo ang pagsasalita mo. Prinsipe ang kaus—" galit na sabi ni Dustin. Akmang magsasalita pa sana ito nang isenyas ng prinsipe ang kanyang kamay para huminto ito.

Matalim akong tiningnan ni Dustin at pabalyang binitawan ang aking braso. 

Tumayo naman ang prinsipe at lumakad palapit sa akin. Nang tumapat siya sa akin ay dumiretso ang tingin nito sa aking mga mata.

"Gusto mo bang lumaya? Kung gusto mo makita ang mahal mo sa buhay, papayag ka sa gusto ko," malumanay na sabi niya. "Magtulungan tayo, alam kong gusto mo rin mapabagsak ang hari. I'm doing you a favor, Avianna." Tila nanghihipnotismo sabi ni Clyde.

Gusto kong lumaya. Gustong-gusto ko umalis sa lugar na 'to. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Dumiretso rin ang tingin ko sa abo niyang mata. "Paano ako makakasigurado na tutupad ka?" 

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon