Chapter 23: Battle

7.8K 359 13
                                    

Chapter 23: Battle

Avianna's Point of View

Nasa training room ako ngayon na nagprapraktis kasama si Clyde. Kaunting araw na lang ay magsisimula na ang battle. Tama si Clyde. Malapit na kong makalaya.

Simula nang pumunta si Godric ay hindi niya nakita ang hinahanap niya. Buti ay humingi pa siya nang tawad sa nagawang gulo sa palasyo. 

"Try again?" basa ni Clyde sa screen. "Tsk!"

Paano kasi may pinapagawa siya sa 'kin mental activity na hindi ko pa tapos hanggang ngayon. Ginagawa ko ito sa floating screen kaya kitang-kita niya kapag nagkamali ako.

Isa itong sikat na laro na tinatawag na Minesweeper. Madali lang naman ang rules. Kailangan mo lang buksan ang mga maliliit na square sa screen na walang bomba at kung maabutan mo ang bomba sa pagbukas mo, tapos na ang laro. Kapag ang numerong lumabas ay 1 ibig sabihin sa nakapaligid nito ay may isang bomba kapag naman 2 ay dalawa bomba at iba pa.

Madali lang talaga ang larong ito, sadyang mahilig lang sa thrill itong si Clyde. Dahil ang pinapagawa niya sa 'kin ay sobrang daming blocks at pinapatapos niya ng dalawang minuto. Kaya heto ako ngayon walang ginawa kundi magpraktis.

Napabuga ako ng hangin. Okay lang sana kung katulad siya ng dati kung paano magturo. Kaso hindi. Kinakausap lang ako nito kapag nagkakamali ako. Bakit ba ako naiinis, 'di ba ito naman gusto mo Avianna, ang hindi niya pansinin?

"Celestine, focus," diin na sabi ni Clyde. Pipindutin ko na sana ang maling block, kung hindi niya ako napigilan ay talo na ulit ako. Masasayang ang laro dahil malapit na kong matapos.

Pero hindi ako makapag-concentrate talaga kaya natalo ulit ako.

"What's bothering you?" tanong ni Clyde. Ano nga ba? Hindi ko alam basta naiinis ako sa kanya, ang pagtawag muli niya sa 'kin ng Celestine, yung pakikitungo niya. Sobrang lamig.

"Am I bothering you?" malumanay niyang tanong. Humarap ako sa kanya at makikitang puno ng emosyon ang kanyang mata.

Umiling ako kasunod nang pagtaas ng sulok ng labi niya. "Who am I kidding? I can't bother you by that."

Matapos niyang sabihin 'yon ay umalis ito at naiwan akong naguguluhan.

---

"Good morning Astrians! Nandito tayo ngayon para masaksihan ang battle for the crown," masiglang sabi ng emcee kasabay nang hiyawan ng mga tao sa stadium.

Nagsalita na ang emcee. Hudyat na malapit nang magsimula. Nandito kami ngayon sa pansamantalang magiging silid namin sa battle. Makikita rin sa screen ang sports stadium, punong-puno ito ng mga tao na may kanya-kanyang pambato.

Wala kaming alam kung sino-sino ang mga kalaban namin. Ang balita lang ay may 16 na team ang sumali sa battle. At sigurado kaming kasama na ro'n si Ross.

"Makakaya natin 'to Celestine." sabi ni Dustin. Nakipag-high five ito kaya gumanti ako sa kanya. Hinawakan niyang mabuti ang kamay ko. "Mananalo tayo." Tumango ako at ngumiti.

Nagulat na lang kami ng may dumaan sa gitna namin kaya nabitawan ni Dustin ang kamay ko. Muntik na kong matumba sa ginawa ni Clyde. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Magsisimula na," masungit na sabi ni Clyde. Napairap na lang ako sa lalaking ito.

Kusang bumukas ang pinto at tumuloy kaming tatlo. Napaangat ako ng tingin sa itaas at kitang-kita ang makulimlim na langit. Hanggang sa may lumapit sa aming tatlong babae na nakaputi at isinuot sa amin ang kwintas. Ito na siguro ang accomodators ng laro. 

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon