Chapter 15: Enemies

8.2K 479 74
                                    

Chapter 15: Enemies

Nanlilisik ang mga mata ko sa kanya. Ang sarap burahin ng ngisi ni Clyde. Kung nakakakilos lang ako ay malamang kanina ko pa siya nasapak.

"Titigan mo lang ba ko? Wala ka bang balak na alisin 'yang kapangyarihan mo?" inis na tanong ko.

Hanggang ngayon nakatingin pa rin siya sa'kin na parang nang-aasar. Nang maramdaman ko na parang nawala na ang pamamanhid ng katawan ko. Dahan-dahan kong ginalaw ang mga daliri ko at madali ko na itong nagalaw.

Mabilis ko siyang tinira ng ice blast pero agad siyang nakalayo at parang hindi nagulat sa ginawa ko sa halip natuwa pa siya. Naikuyom ko ang aking kamao.

Sa inis ko ay tira na lang ako nang tira.

Imbes umiwas ay sinasangga niya lang ito at mukhang pa-easy-easy lang siya. Mayamaya ay hindi ko na namalayan na nakalapit na siya at mabilis hinuli ang mga braso ko.

"You look distracted. Dahil ba 'yan sa halik ko?" pang-aasar na sabi ni Clyde habang pinipilit kong makawala sa hawak niya. "I know you can do better, Avianna."

Yes, I can do better. Tinuhod ko siya sa pinakaiingatan niya at nakawala ako sa kanya. Namilipit siya sa sakit kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon at pinatamaan ko siya ng ice spike sabay bagsak nito.

Do'n ko lamang napansin na nakakalakad na 'ko nang maayos. Napatingin ako sa mga natamo kong sugat sa braso at pati rin ito ay pagaling na. Paano? Dahil ba kay Clyde?

Tumayo siya at pinunasan ang dugong nagmula sa kanyang pisngi.

"I'm impressed." Tumaas ang sulok ng labi niya. "Iyan ba ang natutunan mo kay Dustin?"

Imposibleng siya ang gumamot. Wala sa ugali niya 'yon.

"Ano naman sa'yo?"

"If that so, you're underestimating your enemy. It can destroy you, Avianna."

Humawak ito sa kanyang baba tila nag-iisip. "What about to make a deal?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Ano 'to? Panibagong kalokohan na naman?

"Kung sino ang unang magkasugat sa mukha ay siyang talo." I already did, fool.

"At anong makukuha ko?" inis kong tanong.

"Nakakuha ako ng impormasyon sa lola mo at kapag nanalo ka, sasabihin ko sa'yo lahat."

Lumabi ako at nag-iisip kung tatanggapin ko ba. Baka buhay pa si lola. Napailing ako. Buhay talaga si lola.

"At kapag ako ang nanalo kahit matapos ang kontrata, mananatili ka pa rin dito," muling sambit ni Clyde.

Nanlilisik akong tumingin sa kanya. Nandito ako nagpapanggap para makalaya tapos deal na naman. Ano ba gusto niya, habang buhay ako maging alipin niya?!

"Deal?" he asked mischievously.

"F*ck you!"

"I'll take that as a yes."

"Pinaglo—" Hindi pa ko natatapos magsalita ay mabilis itong pumunta sa gawi ko para tamaan ng dagger.

Mabuti na lang ay agad akong nakalayo sabay paniningkit ng aking mga mata. Nagulat ako nang mabilis itong pumunta sa kinatatayuan ko at tinarget ang pisngi ko. Bumaling ako para hindi niya matamaan. Muntik na ko.

Kung kumilos 'to ay napakabilis, halatang sanay na sanay sa pakikipaglaban. Hindi ko akalain na napakagaling niya. Hindi lamang siya nakadepende sa ability niya.

Tumitira siya gamit lang ang dagger at bawat galaw niya halatang pinag-iisipan para matalo ako. Desidido talaga siyang gawin akong alipin.

Muli kong pinalabas ang ice shield ko para hindi nito matamaan. Kung hindi ko pa ito ginamit malamang kanina pa tapos ang laban.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon