Chapter 26: Dagger

6.9K 354 39
                                    

Chapter 26: Dagger

Third-person Point of View

"Kumusta na siya, Kuya?" tanong ni Isla kay Clyde. Naiinis si Isla sa kanyang sarili kung bakit niya pa pinatulog sina Clyde at Dustin. Kung marunong lang sana siya na bawiin ito sana wala ng problema. Hindi masasaktan si Avianna.

"What do you think?"

"Sorry Kuya Clyde, hindi ko po sinasadya."

"But, you already did. Nalason na siya."

"Pero wala akong nilagay na lason sa dagger. Hindi ko kayang gawin 'yon."

"But still, you hit her," diin na sabi ni Clyde.

Napayuko na lang si Isla sa sinabi ng prinsipe.

Nadako ang tingin ng dalawa kay Dustin matapos pumasok sa silid para ipakita ang resulta kung may lason ang dagger.

"Confirmed, Prince Clyde," sagot ni Dustin kaya halos manlamig ang katawan ni Isla sa nalaman. Idagdag pa ang masamang pukol ng prinsipe sa kanya.

"Really? Promise hindi ko nilagyan ng lason ang dagger," naiiyak na sambit ni Isla.

Kinuha ni Clyde ang pulsuhan ni Isla at mahigpit itong hinawakan. "Then tell me, how did this happen? Paanong nagkaroon ng lason ang dagger mo ng hindi mo alam?"

Paulit-ulit na umiiling si Isla. Wala siyang alam. Hindi niya alam kung paanong nagkaroon ng lason ang dagger niya.

Malutong na napamura si Clyde sa inaasta ng dalaga kaya hinatak niya ang pulsuhan nito upang sabihin sa nakakataas na parusahan ito.

"Mahal na prinsipe, huwag kang padalos-dalos," pigil ni Dustin at kuha ng braso ni Isla.

Nagtago agad sa likod ni Dustin si Isla dahil sa takot nito.

"She almost killed her! Damn it!"

"Hindi matutuwa si Avianna sa gagawin mo," paalala ni Dustin.

Natahimik si Clyde at napabuga na lang ng hangin. "Fine."

Si Avianna lang talaga ang makakapigil sa kanya. She's his strength and weakness.

Humarap si Dustin kay Isla. "Kung hindi ikaw ang naglagay ng lason, may ideya ka ba kung paano nalagay sa dagger mo?"

"Uhm, k-kanina nabangga ko si Ross parehas namin nalaglag ang dagger kaya pinulot niya 'yung akin."

"And that makes sense, he sabotaged us," iritadong sabi ni Clyde sabay kuha sa dagger.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Dustin pero hindi na siya nito sinagot hanggang tuluyan na lang nilang narinig ang malakas na pagsara ng pinto. Naguguluhan si Dustin sa inaasta ni Clyde. Kilalang-kilala niya ito bata pa lamang. Palagi itong kalmado sa anumang mangyari. Hindi tulad ngayon, dahil ba kay Avianna?

Samantala, pumunta si Clyde sa silid ng Team One. Kinatok niya ito at nang pagbuksan siya nito ay bumungad sa kanya si Ross.

"Oh Clyde, what makes you here?"

"Gusto ko lang isauli 'to." Tumaas ang sulok ng labi ni Clyde sabay tutok ng dagger sa tapat ng mata ni Ross.

Namilog ang mata ni Ross sa biglaang ginawa ni Clyde. Napatingin din ang kagrupo ni Ross sa dalawa. Tutulungan sana nila ang lider nila nang mapalitan nang malapad na ngisi ang gulat na mukha nito.

"Guys, don't worry nandito lang siya para isauli ang nawawala kong dagger."

Binigyan ng nakakalokong ngiti ni Ross ang taong nasa harap niya. "Thank you at nakita mo 'to. Favorite ko pa namang 'tong dagger." Hinawakan nito ang dagger para kunin pero mahigpit ang pagkakahawak ni Clyde.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon