Chapter 33: Arena

6.3K 330 9
                                    

Warning! This chapter deals with violence. It may be upsetting from some readers. Reader discretion is advised. 

Chapter 33: Arena

Unti-unti inalis ni Clyde ang isang palad niya sa pisngi ko at inilipat ang paghawak sa batok ko. Mas lalo kong naramdaman ang malambot niyang labi. Hanggang sa naging malalim ang halik niya. Shit! Nalulunod na ko sa mga halik niya. 

Parehas kaming naghahabol ng hininga pagkahiwalay ng mga labi namin.

Idinikit niya ang kanyang noo sa aking noo at pumikit. Tila ninamnam ang halik na pinagsaluhan namin.

"You kissed me back," sabi ni Clyde sabay pagmulat ng kanyang mga mata at isang matamis na ngiti ang aking nasilayan sa kanyang mukha.

Nakarinig kami ng palakpakan kaya tiningnan ko ang paligid at lahat sila nakatuon ang atensyon sa amin. Bigla akong nakaramdam ng hiya at itong kasama ko parang tuwang-tuwa pa dahil nakuha namin ang atensyon nila.

Agad akong kumawala sa yakap niya at binaba masyado ang sumbrero sa aking mukha. Mahirap na at makilala pa ako.

Tuluyan na akong umalis sa gitna at iniwan siya ro'n. Bahala siya! Uuwi na ako.

Habang naglalakad ay naalala ko ang ginawa kong paghalik. Napahawak ako sa aking labi. Bakit ko siya hinalikan?

"You love me too." Napahawak ako sa dibdib sa gulat. Tiningnan ko ito at walang iba kundi si Clyde.

"Pwede ba tigilan mo ko," gigil kong sabi. At naunang naglakad sa kanya.

Hinuli niya ang kaliwang kamay ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

Tiningnan ko siya nang masama. "Ano bang prob—"

"I can wait, Avianna. I can wait."

Napatulala ako sa sinabi niya. Seryosong nakatitig ang kanyang abong mata sa aking mata.

Hanggang sa hindi ko namalayan na magkahawak kami ng kamay na umuwi.

---

"I can wait, Avianna. I can wait."

"I can wait, Avianna. I can wait."

"I can wait, Avianna. I can wait."

Madaling araw na at hindi pa rin ako makatulog. Tinakpan ko ang aking tenga ng mga unan dahil hanggang ngayon naririnig ko pa rin siya.

Damn it! You're an idiot, Clyde. Kaya mo ba talagang maghintay na walang kasigaruduhan.

Kainis! Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Kailangan kong mahimasmasan.

Tumungo ako sa kusina para uminom nang may marinig akong nag-uusap. Agad akong nagtago sa likod ng pader at sinilip ito.

Ang hari at si Mom. Ano ginagawa nila ng ganitong oras?

"Pinaalala ko lang sa 'yo ang pinag-usapan natin, Duchess Clementine."

Tuluyan naglakad paalis ang hari kaya muli akong nagtago sa pader. Anong pakay ng hari kay Mom?

---

Hindi na talaga ako nakatulog bukod sa pambubuwisit ni Clyde sa utak ko ay hindi rin maalis sa aking isipan kung bakit pumunta dito ang hari.

Bumaba ako at napansin si mom na nagluluto. Ano kaya ang pinag-usapan nila ng hari?

"Hi, Celestine!" Hindi ko agad napansin si Isla. Mukhang naghihintay ito sa niluluto ni mom. Haist. Palagi naman.

Umupo ako sa tapat niya at may naisip akong plano. Pwedeng humingi ako ng tulong kay Isla tungkol sa hari at kay mom. Tiningnan ko siya sa mata at tumingin din siya pabalik.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon