Chapter 63: Shattered Trust

4.3K 284 64
                                    

Chapter 63: Shattered Trust

(Unedited)

"You bitch!" gigil na sigaw ni Amethyst.

Gumamit siya ng water ability niya kasunod nang pagtapat ko ng kanang kamay sa kanya. Mabilis naglaho ang water attack niya at lalong nagngitngit ang kanyang ngipin sa nagawa ko. Sa inis niya, inutusan niya si Benjamin na sugurin ako.

Hindi ko alam na malaki pala ang pinagsamahan nila. Ang isang prinsipe ng Garon ay gano'n lang niya kadaling utusan.

Mabilis na naglabas ng itim na espada si Benjamin. Halos manlaki ang mata ko dahil sa isang kurap lang ay nasa harap ko na siya. Kung hindi ko agad naisangga ang espada ko malamang, natamaan na ko. 

Agad kong inilihis ang espada at sinubukang umatake, pero tumalon siya paitaas at hinanda ang espada upang itama sa akin. Dali-dali akong tumakbo paalis sa pwesto ko. 

Hindi pa ko nakakabawi ng muli siyang umatake. Tila wala siyang inaaksayang oras. Mariin kong hinawakan ang espada at hinarang sa kanya saka inilihis upang tamaan siya. Ngunit muli itong nakailag.

Patuloy kami ng ginagawa—naghahanap ng tiyempo na matamaan ang bawat isa.

Nang mapansin ko na bumagal ang galaw niya, malakas na hampas ng espada ang ginawa ko kasunod nang pagsipa sa sikmura niya. Dahil dito ay napahiga siya at hindi na sinayang ang oras saka tinutok ang espada sa kanya.

Nakarinig ako nang mahinhin na tawa mula kay Amethyst. Nanonood lang siya at walang pakialam kung sino manalo sa amin. Ini-enjoy ang ginagawa naming paglaban.

Inabante ko ang espada upang tapusin na siya nang makaramdam ako ng sakit sa aking tagiliran. Napaatras ako kay Benjamin.

Napangiwi ako at mabilis inalis ang dagger sa tagiliran ko. Bumaling ako sa likod kung sino ang may kagagawan no'n at halos manlaki ang aking mata sa nakikita. Napailing ako at napaatras muli. May bangs at mahaba ang blonde nitong buhok. May kulay pink na ribbon sa bandang leeg niya. Nakasuot din ito ng mahabang puting medyas. Hindi ako pwedeng magkamali...

P-Paanong nandito si Isla? Paanong buhay pa siya?

Gusto kong matuwa na wala man lang siyang galos hindi katulad ng huling nakita ko sa kanya. Pero ang mata nito, ang kanyang ekspresyon—sobrang lamig. Wala silang pinagkaiba ni Benjamin. Tila wala sila sa sarili.

Napatingin ako kay Amethyst nang muling humagikgik. Sa dalawang nakalaban ko ay wala akong maramdaman na ability mula sa kanila. Kaya hindi ko magagamit ang magic immunity. Hindi kaya kinokontrol sila ni Amethyst? Pero paano?

"Ano pa tinutunganga n'yo diyan. Tapusin n'yo na siya!" utos ni Amethyst sa kanila. 

Tumayo mula sa pagkakahiga si Benjamin at diniretso ang tutok ang espada sa akin. Habang si Isla naman ay pinulot ang dagger na may dugo mula sa akin. Iisa lang ang punterya nila, walang iba kundi ako. 

Hindi ko ininda ang sugat sa tagiliran ko at mariing hinawakan ang espada saka itinutok sa kanila.

Nang makalapit na sila ay agad akong yumuko at mabilis na tumakbo patungo kay Amethyst. Ginamit ko ang ice shield para harangan ang muli nilang pag-atake mula sa likod. At saka nag-ice spike kay Amethyst—natamaan ang manggas ng damit nito kaya tumama ang likod niya sa pader. Narinig ko pa ang daing niya sa lakas ng impact.

Tatanggalin pa sana niya ang matulis na yelo sa kanyang damit nang idikit ko sa leeg ni Amethyst ang espada. 

Dumako ang tingin ko sa dalawa na ngayon ay nasira na ang nagawa kong ice shield. Blanko ang kanilang ekspresyon at patuloy pa rin na naglalakad patungo sa akin.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon