Chapter 44: The Participants

7K 449 148
                                    

Chapter 44: The Participants

"Patayan ang battle, Prinsesa Ash."

Napalunok ako sa sinabi ni Marydale. Oo, sanay ako sa battle dahil sa nangyaring battle noon sa Astria pero iba pa ring usapan kung buhay na ang nakataya.

"Dahil din do'n, maraming umatras," dagdag pa niya.

"Ang advantage lang namin ay hindi pwede gumamit ng ability, dahil ayaw raw nila na maging depende sa ability ang susunod na emperor," sabi naman ni Ethan.

Bakit ba wala akong alam sa rules ng battle na 'to? Kundi ko pa sila nakausap e 'di para akong tanga sa battle.

Inakbayan ako ni Marydale. "Huwag kang mag-aalala, Prinsesa Ash. Sasabihin naman 'yong rules sa battle. Kaya lang namin nalaman dahil nagtanong kami sa mga coordinators."

Tumango na lang ako.

"Nakakapagtaka lang na pinayagan ka ng emperor na sumali," sabi ni Ethan sabay hawak sa kanyang baba. Tama siya, pero siguro may tiwala sa akin si dad.

Nabaling ang atensyon ko nang magsilabasan ang mga tao.

Tumingin si Marydale sa kanyang relos. "Oops. Alas-dose na. Tara kain na tayo ng lunch," aya nito sa akin.

Tumayo kami at lumabas ng training room. Naglakad kami sa mahabang hallway nang may maamoy akong mabango. Amoy pagkain. Pumasok kami sa silid at bumungad sa akin ang mga nakahilerang pagkain na may nakabantay pang chef. Napalunok ako at kumalam ang aking sikmura. Mukhang mapaparami ako.

Kanya-kanyang upo ang mga tao na halatang pagod sa training. Kumuha kaming tatlo ng tray at pumila para mabigyan ng pagkain. Saka pumuwesto sa pinakagilid na may apat na bakanteng upuan.

Masaya kaming nagku-kwentuhan ni Marydale at Ethan. Ang dami nilang kinuwento sa buhay nila. Magkabaliktad talaga ang ugali ng magkapatid. Si Marydale ay sobrang daldal para bang hindi nauubusan ng kwento. Samantala si Ethan, magsasalita lang siya kapag importante o kapag tinanong lang.

Bigla akong tinaasan ng balahibo. Feeling ko may nakatingin sa akin kaya lumingat ako sa paligid at nadako ang tingin sa isang lalaki na nahuli kong nakatitig sa akin. 

Nang magtama ang aming mata ay binigyan nito ako ng nakakalokong ngiti. 

Napakunot ang noo ko. Anong meron sa lalaking 'yon?

"Sino tinitingnan mo?" biglang tanong ni Marydale kaya natauhan ako at umiling saka binalik ang atensyon sa pagkain.

Kaso dahil makulit si Marydale ay sumilip pa rin ito sa tiningnan ko. "Crush mo?"

Nagulat ako sa tanong niya at muntik nang mabuga ang kinakain ko. "Hindi ah."

Tumango ito sa sagot ko na natatawa. "Siya si Ivor Kayden Griffin, prinsipe ng Earth tribe. Siya ang inaasahan ng marami na susunod sa yapak ng emperor kaya maraming naghahabol diyan."

"Pwede ba ate, tigilan mo 'yan, baka lalong lumaki ulo no'n," masungit na saad naman ni Ethan.

Natigil ang pag-uusap namin nang may lumapit sa amin na lalaki at babae.

"Pwede bang makiupo?" tanong ng babae. Kulay brown ang buhok nito na nakasuot ng mahabang dress na pink. Hindi ko maiwasan na mapataas ng kilay. Hindi ba siya nahihirapan magtraining na ganyan ang suot?

"Isa lang ang bakanteng upuan. Hindi ka ba marunong magbilang?" asar ni Ethan kasunod nang pagtawa nang malakas ni Marydale dahil napahiya ang babae. 

Umirap ang babae sa kanila at binalingan ako ng tingin saka siya ngumiti ng pilit.

"Ako nga pala si Lyndsy Morrel, air tribe."

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon