Chapter 18: The Recorded Voice

7.8K 394 6
                                    

Chapter 18: The Recorded Voice

Umagang-umaga ay iniistorbo ako ni Clyde. Haist, kakabangon ko lang at tumatawag na naman siya. May pa-meeting daw. 

Dahil kumakalam ang sikmura ko ay dumiretso muna 'ko sa kusina. Agad akong napahawak sa dibdib nang maabutan si Isla na kumakain.

"Hi Ch-celestine!" masiglang bati niya habang punong-puno ng pagkain ang kaniyang bibig. Kung hindi ko lang siya nakilala kagabi malamang ay makyu-cute-tan pa ko sa kanya dahil sa suot niyang pink na dress at ang laso sa kanyang buhok.

"Isla, ano ginagawa mo rito?" Ang aga-aga nandito siya sa palasyo.

Mabilis niyang nilunok lahat ng nasa bibig niya at nagsalita. "Binibisita ka, wala kasi akong kalaro sa palasyo."

"Oh, anak. Maupo ka muna at nagluluto ako ng breakfast ninyo," sabi ni mom. "Pasensya na, hindi kita agad ginising na nandito si Isla. Mukha kasing pagod ka kagabi." At saka muling bumalik sa pagluluto.

Umupo ako sa tapat ni Isla at nagsimulang kumain. Mapapansin na napaka-childish niya. Ibang-iba siya kagabi. Nagkasalubong ang titig namin kaya agad akong umiwas ng tingin nang maalala ang ability niya. 

"Hindi ko alam na close pala kayong dalawa," muling sabi ni mom sabay lagay ng pagkain sa mesa.

"Mabait po kasi si Celestine kaya naging mag-bestfriend kami," ngiting sagot ni Isla. Halos mabuga ko yung kinakain kaya napaubo tuloy ako.

"Okay ka lang ba, anak?" tanong ni mom habang himas-himas ang likod ko.

Uminom muna ako ng tubig bago sagutin si mom. "O-Okay na po."

"Pfft..." Napatingin ako kay Isla na halatang nagpipigil nang tawa. Ano ba trip nito at pinamumukha niya na mag-bestfriend kami?

Pagkatapos namin kumain ay dideretso na sana ako kay Clyde nang nagpupumilit na sumama si Isla kaya wala na 'kong nagawa.

Tumungo kami sa meeting room ng prinsipe at naabutan si Clyde at Dustin na nakaupong nag-uusap. Nadako ang tingin nila sa'min matapos naming pumasok. Si Dustin naman ay halatang nagtataka kung bakit kasama ko si Isla. Mukha naman alam ni Clyde kung ano ang dahilan.

"Hi guys, ano pag-uusapan natin?" masiglang bungad ni Isla sa kanila. Mala-inosenteng tiningnan ni Isla ang dalawa na halatang naghihintay kung ano ang plano.

"Wala kaming pag-uusapan hangga't nandito ka," inis na sagot sa kanya ni Dustin.

Naging seryoso ang mukha ni Isla, mukhang nagbago na naman siya ng ugali. "Okay, walang sisihan." Tumalikod na siya nang mapatigil siya. 

"Isla will stay here," kalmadong sabi ni Clyde. Mabilis humarap si Isla at malapad na ngumisi.

"Bakit mahal na prinsipe?" naguguluhang tanong ni Dustin.

"Dahil alam niya ang lahat at para hindi masayang ang plano natin, kailangan natin isama si Isla," sagot ko naman.

"I'll tell you all, but for now I want to talk about this first," sabi ni Clyde kay Dustin sabay lapag sa mesa ng hugis parihaba na may disenyong itim na bilog sa gitna. Kulay brown ito na halatang gawa sa kahoy na may kapal na para bang sa isang libro. Mukhang bumili na naman siya ng teknolohiya sa Saffron. Hindi pamilyar sa 'kin ang bagay na 'to kaya umupo kami sa tapat nila. 

"Ano 'yan?" tanong ko.

"'Yan ang na-record mo kay Ross."

Kumunot ang noo ko. "Akala ko nasira na ni Ross 'yung recorder? Paanong nakakuha ka ng kopya?" 

"Kahit sirain niya pa ang recorder. May kopya ako." Ngumisi ito at may pinindot sa kakaibang teknolohiya.

"Those stupid councils sa tingin ba nila hindi ako karapat-dapat maging hari. Grrr! Walang makakatalo sa'kin, ako lang ang magiging hari. Ako ang anak ng hari kaya ako ang dapat makakuha ng korona!" sigaw nito kasabay nang tunog na nabasag na baso.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon