Chapter 54: Unveiled

5.9K 422 224
                                    

(Unedited)

Chapter 54: Unveiled

Nakalabas kami ng palasyo ng walang nakitang kahit anong palatandaan tungkol sa gamot. Miski ang pagkamatay ni Odin ay misteryo pa sa amin.

Nandito pa rin kami sa Cassia at tulad sa Saffron ay may mga nakabantay na mga kawal sa paligid. Hinihintay na lang namin si Ethan na bumili na kakailanganin niya raw sa pag-eeksperimento. Kilala kasi ang Cassia sa mga may kayang mag-spell na nangangailangan ng iba't ibang klase ng uri ng halaman o sangkap.

Habang bumibili si Ethan, si Ivor naman ay nababagot na dahil kanina pa kami palakad-lakad sa palengke. Nakasuot na rin si Ivor ng panlalaking suot⁠—kulay itim na t-shirt at maong na pantalon.

"Kailan ka ba matatapos, bansot?" tanong ni Ivor kay Ethan.

"Isang tanong mo pa, sasabihin ko kay Empress Ash ang lahat nang ginawa mo kay Odin."

Pero parang walang narinig si Ivor at muling nagtanong. "Bakit ang liit mo?"

Bigla na lang kinuha ni Ethan ang kamay ko at hinatak palayo kay Ivor. "Alam mo ba na nahuli kami ni Odin na lalaki si Ivor?"

"Paano?" taka kong tanong.

"Paano kasi ang loko, naglagay ng coconut shell sa dibdib niya para daw lumaki. Ayun hinawakan ni Odin, nagtakang bakit matigas. Bisto tuloy kami."

Napatawa ako nang malakas. Puro kalokohan talaga si Ivor. Pero naawa ako kay Ethan, seventeen pa lamang siya at mukhang nakita niya na ang hindi dapat makita.

"Pfft... B-buti na lang talaga nakatago ako no'n at napigil ko pa ang tawa ko." Mukhang hindi pala dapat ako maawa kay Ethan kundi kay Ivor. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

Oo nga pala, nasaan na siya? Lilingon na sana ako sa kanang bahagi nang umakbay sa amin ni Ethan si Ivor.

"Hindi ba pupunta pa tayo sa kaibigan mo?" biglang tanong ni Ivor. Alanganin akong napatango.

"Tara, pumunta na tayo." 

"Teka... Hindi ko pa nalilibot ang palengke," reklamo ni Ethan at kakawala pa sa akbay nito.

"Tara na," diing sabi ni Ivor sabay mahigpit na akbay sa amin dalawa at hindi na hinayaan na makaalis kami. Napakunot-noo ako. Bakit biglang naging seryoso si Ivor?

Sumakay na kami ng karwahe patungo sa Ester kung nasaan ang mga assassins, kung saan namumuno si Peter. Mga ilang minuto na ang tinatagal ng biyahe kaya nakatulog na si Ethan sa pagod.

"Kanina ka pa seryoso," sabi ko kay Ivor. Matagal siyang hindi sumagot kaya itinuon ko na lang ang atensyon sa may bintana. Nakaka-miss sa Astria. Kahit papaano ay nakakatuwa na hindi pa rin pinapatayuan ng gusali o palasyo ang mga bakanteng lupa sa Cassia. Marami pa rin na nakatani—

"Nakita ko siya." Unti-unti  akong tumingin kay Ivor at seryoso siyang nakatingin sa akin. Base sa tono ng pananalita niya ay hindi siya natutuwa. "Hinahanap ka niya." 

Napalunok ako. Hindi ko na kailangan tanungin kung sino ito dahil halatang si Clyde ang tinutukoy niya.

Napalabi ako para makahanap ng salita. "B-bakit daw? Nakilala niya ba ako?"

Nagkibit-balikat si Ivor. "Sinabi ko na lang hindi ko alam kung nasaan ka."

Pagkatapos nang pag-uusap namin ay wala nang nagsalita pa sa amin. Ang daming tumatakbo sa isipan ko na gusto kong iwaksi. Walang mangyayari kung iisipin ko pa siya. Nandito ako hindi para kay Clyde.

Ilang minuto na ang lumipas nang maramdaman ko na huminto ang karwahe. Agad kong ginising si Ethan at saka bumaba.

Bumungad sa amin ang mataas na metal na gate. Sobrang taas nito na may patusok ang pinakatuktok. Siguradong mamatay kung sinuman ang magtatangka na umakyat dito. Bukod sa nakakatakot na gate ay marami rin na nakapaligid na kawal ng Ester. Mukhang masyado silang mahigpit para hindi sila matulad sa Cassia at Saffron.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon