Chapter 2: The Prisoner

15.6K 628 34
                                    

Chapter 2: The Prisoner

"Ano po gagawin natin sa kanya?"

"Ano sa tingin mo ginagawa sa kriminal?"

"Mahal na prinsipe, kung ibibigay mo siya sa hari, papatayin siya agad."

"I'll never do that, Dustin. Definitely, I can use her."

Nagising ako sa ingay at inilibot ang aking paningin. Mapapansin ang matataas na damo nakapaligid sa'kin, maaaninagan din ang ilang mga palasyo. Mukhang nasa labas na 'ko ng Setra kung saan dapat kami pupunta ni lola.

Pinilit kong tumayo kahit ang bigat ng pakiramdam ko nang mapansin ang dalawang lalaki na nag-uusap.

Napaatras ako nang natuon ang atensyon nila sa'kin. Doon ko mas naaninagan ang itsura nila.

Dumako ang tingin ko sa isang parang prinsipe. Hindi ko maiwasan hindi matitigan ito. Matangkad siya na para wala pa sa 20 ang edad. Kulay puti ang buhok nito na bumagay sa kanyang abong mata. Ang titig at tindig naman nito ay para bang nagpapakita na kailangan siya ang masunod. Hindi kaya...

"Nasaan si lola? Ano ginawa n'yo sa kanya?!" matapang kong saad.

He raised his eyebrow as if I got his attention. "Who are you?"

"Avianna Elora," sabi ko sabay tapat ng kamay ko sa kanila para mag-ice spike. Pero nanlaki ang mga mata ko nang walang lumalabas na ice ability. Pinilit ko itong paganahin pero ayaw talaga. Napatingin ako sa mga kamay ko. Anong nangyari?

Kumunot ang noo niya na para bang naghihintay sa gagawin ko. Bakas sa mukha niya ang pagkabagot. Hanggang sa naramdaman ko ang biglaang pamamanhid ng buo kong katawan. Naalarma ako. Sinubukan kong kumilos pero hindi ko magawa. Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko? Pinilit kong gumalaw pero ayaw talaga.

Sinamantala nila ito at lumapit ang isang niyang kasama at binuhat ako patiwarik. Para bang isa akong sakong bigas. Habang siya na animo'y prinsipe ay malapad na ngumisi.

Siya ba may kagagawan nito? Pati katawan ko ay 'di ko magalaw. Kainis!

"Saan po natin siya dadalhin?" tanong ng nagbuhat sa'kin.

"Dalhin mo siya sa palasyo ko."

"Masusunod Prinsipe Clyde."

Kung gano'n, tama ang hinala ko. Isa siyang prinsipe na anak ng dating hari na si Arthur. Siya si Clyde Maxfield—kilala sa pagiging pasaway simula bata kaya halos lahat ay galit dito dahil sa masamang reputasyon niya.

Kinakabahan ako, kailangan kong makatakas bago pa nila ako dalhin sa Aclar. Hindi ito pwede, kailangan ko pang maligtas si lola.

Pinilit kong pagalawin ang katawan ko kahit mahirap para makatakas lang sa kanila.

"Don't try to move," malamig na sabi ni Clyde. Sa lamig ng boses nito ay para bang nahihirapan akong huminga. At kahit hindi ko siya nakikita dahil nakabuhat ako nang patiwarik. Ramdam kong nakatitig siya sa'kin. Pero kailangan kong makatakas kaya naglakas loob akong magsalita.

"Saan n'yo ba ko dadalhin? Nasaan si lola?"

"Nakita ka namin na 'di kasama ang lola mo," saad nang nagbuhat sa'kin.

Ano ang nangyari? Ang naalala ko lang ay sumakit ang ulo ko at nagdilim ang paningin ko. Nasaan na si lola? Kung nakuha na ko malamang ay ligtas na siya. Sana nga, sana ligtas si lola.

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang dinala nila ako sa sasakyan. Napadaing ako sa lakas nang paghagis sa 'kin. Akala mo 'di ako tao.

Sa pag-andar ng sasakyan ay naaninagan ko ang mga tanawin. Ang bundok na palagi namin inaakyatan ni Peter para sabay na tingnan ang paglubog ng araw. Mapapansin din ang ginawa namin barong-barong para makapagturo sa mga bata.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon