Chapter 16: Thorn of Roses

8.3K 424 56
                                    

Chapter 16: Thorn of Roses

(Unedited)

Tinatamad akong naglalakad patungong training room nang mapansin si Clyde na nakasandal sa pader sa tabi ng pinto. Nagtama ang aming mata nang mapansin niya ko.

"You're late," malamig na sabi niya.

Napahikab ako at hindi pinansin ang sinabi niya. "Bakit mo ako pinapunta rito?"

Ngumisi lang ito at binuksan ang pinto ng training room.

Tumuloy kami sa loob at dumiretso malapit sa platform stage—may tatlo itong dingding na nakapaligid. Tanging salamin lang ang harang sa harap para siguro makita ang nangyayari sa loob. Mapapansin din na may nakalutang na maliit na screen sa ibaba ng platform—siguro para makontrol kung anuman meron sa stage na 'to.

"Pumunta ka sa gitna," utos nito.

Sa unang pagkakataon, makakagamit ako ng teknolohiya sa silid na'to. Hindi man lang kasi ako hinayaan pagamitin ni Dustin no'ng nagprapraktis pa kami.

Pagpunta ko sa stage, kusang bumukas ang pinto na gawa sa salamin. Pagkatapos ang maliwanag na paligid ay unti-unting naging dim. Bigla akong kinabahan para bang may masamang mangyayari.

Nagulat na lang ako nang may lumabas na mahabang pabilog na bakal sa bawat haligi ng dingding. Tila may lalabas na bala ro'n. Mayamaya pa ay nagsilabasan ang maliit na palaso mula roon. Buti na lang ay handa ako at naiiwasan ko pa ang mga 'to.

Napansin kong napahikab si Clyde.

"Let's increase it to 10," sabi niya sabay pindot do'n sa maliit na screen.

Nanlaki ang mga mata ko na sabay-sabay lumabas ang mga palaso mula sa mga bakal. Sobrang bilis nito. Ang iba ay naiiwasan ko kaso karamihan ay dumadaplis sa 'kin. Ginagamit ko lang ang braso ko para kahit papaano ay 'di ako mapuruhan.

Nanlilisik ang mata ko kay Clyde na mukhang aliw na aliw sa ginagawa ko.

Bigla na lamang ako napasigaw nang may dumaplis sa aking binti. Dahil dito napaupo ako, tatama na rin ang iba pang palaso sa'kin. Kaya hinanda ko ang sarili ko para gamitin ang ability ko pero nagulat na lang ako na nakaramdam nang sobrang init at nasunog ang mga palaso na paparating sa akin. Kasunod nito ay umangat ang aking katawan at naalis sa stage.

Napatingin ako sa nagbuhat sa akin. Si Dustin na mahahalata ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Okay ka lang ba, Prinsesa Celestine?" pag-aalalang tanong nito kaya napatango ako.

Binaba niya ako dahan-dahan sa may mahabang upuan malayo sa stage at lumapit katapat ni Clyde.

"Mahal na prinsipe, hindi naman po ata tama pasubukin mo siya nang walang kaalam-alam sa bagay na 'yan." Tinitigan lamang siya ni Clyde na walang ekspresyon at dumako ang tingin sa akin.

Clyde cleared his throat at binaling muli ang tingin kay Dustin. "Then, show her the right move, kung 'yan ang problema mo."

Hindi umangal si Dustin at pumunta sa gitna ng stage. Mga titig nito kay Clyde ay kakaiba para bang gusto niya patunayan na kaya niya rin maging prinsipe.

Tulad ng nangyari kanina sa 'kin ay tumutok sa kanya ang lahat ng pabilog na bakal sa may dingding

"Because you're not noob, let's increase it to level 30."

What the...! Malaki ba galit ni Clyde kay Dustin. 'Yong level 10 nga sobrang bilis na, 30 pa kaya.

"Masu⁠—" Hindi pa natatapos magsalita si Dustin ay bigla nang naglabasan ang mga palaso.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon