Chapter 48: Accompany

6.5K 436 130
                                    

(Unedited)

Chapter 48: Accompany

Nang ma-realize ko kung ano ang ginawa ni Ivor ay agad kong kinuha ang kamay ko mula sa hawak niya at gumawa ng ice blade saka tinutok sa leeg niya. Mukhang tinanggal niya na ang ability niya sa akin kaya nakakagamit na ako ng ice ability.

Kung akala ni Ivor natutuwa ako sa ginawa niya, nagkakamali siya. Nakakainis lang dahil parang ipinapakita niya hindi ko kayang manalo. Pinaglalaruan niya lang ba ako? Akala ko ba gusto niya maging emperor? Bakit binigay niya sa akin ang korona imbes suotin niya?

Humikab lang siya na parang walang pakialam na nakatutok ang ice blade ko. "Pinapaalala ko lang sa'yo na pinapanood tayo ng maraming tao," ngising sabi ni Ivor.

Itinaas ko ang isa kong kilay. Wala akong pakialam.

"Congratulations, Princess Avianna Syblla Haize!" rinig kong boses mula sa speaker.

Naibaba ko ang ice blade nang magbago ang lugar at bumalik sa arena. Mapapansin na tatlo na lang kami nakabalik. Ako, si Ivor at Ethan. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang ligtas din si Ethan.

---

Matapos ang battle ay dumiretso kami sa ospital malapit sa arena at nandoon lahat ng mga sugatan kasama si Marydale.

Agad na tumakbo si Ethan patungo kay Marydale na nakaupo sa hospital bed.

"S-Sorry, Than," hikbi ni Marydale. "Akala ko may mangyayaring masama sa'yo. M-Magpapakabait na ko. Promise!" Yakap-yakap nito nang mahigpit ang kapatid.

"Ate, sorry din. P-Pinag-alala kita," naiiyak na sabi ni Ethan.

Hindi ko maiwasang mainggit na magkaroon din ng kapatid. Nadako ang tingin ko kay Ivor na tulad ko ay parang naiingit din sa dalawa.

Nang mapansin ni Ivor na nakatingin ako sa kanya ay umalis ito sa tabi ko saka nilagay ang kamay sa bulsa nito.

Susundan ko sana siya nang makita si dad. Pawis ito na halatang nagmadali para lang makarating rito sa ospital. Mahigpit niya akong niyakap. "Congrats, anak!"

---

Bumungad sa akin ang mahabang mesa na punong-puno ng pagkain nang makarating sa palasyo. Hindi bale sana kung marami kaming kakain kaso dalawa lang kami ni dad.

"I'm so proud of you. Manang-mana ka sa akin," masayang sambit niya.

Ganumpaman, hindi ko magawang maging masaya. 'Yung nangyari sa last phase, hanggang ngayon naalala ko pa rin ang sinabi ng nakalaban ko. Na ginagawa ko lang ito dahil sa Astria at hindi dahil sa Marren. Idagdag pa na binigay sa akin ni Ivor ang korona. Kung tutuusin hindi ako nanalo.

Umupo si dad sa pinakagitna ng mahabang lamesa at tumabi ako sa kanya. Kumuha ito ng mga ulam at nilagay sa plato ko. "Pagpasensiyahan mo na ang lasa, ako lang ang nagluto. Gusto ko kasi mapagsilbihan man lang kita bago ka mamahala rito." 

"D-Dad," tawag ko.

Masaya itong tumingin sa akin pero napawi 'yon nang makita ang ekspresyon ko. "Sa tingin ko po hindi ko kayang tanggapin ang pagiging empress."

Binaba nito ang mangkok saka seryosong tumingin sa akin. "Bakit?"

Huminga ako nang malalim. "Wala po akong alam sa imperyong ito at hindi po ako karapat-dapat para mamuno rito." Napayuko ako. "Hindi rin ako ang totoong nanalo."

Bukod sa pangalan ng Marren Empire at ang mga nakapaloob na tribo rito ay wala na akong alam. Kundi pa nga dahil sa Hidden Dimension ay hindi ko malalaman ang pangalan ng bawat lugar sa Marren. 

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon