Chapter 37: Blame

6.3K 303 13
                                    

Chapter 37: Blame (Unedited)

Third-Person Point of View

Puso't isipan ni Clyde ay lugmok at tulala.

Dahan-dahan niya nilapag sa sahig si Avianna. Habang siya ay nanghihina na napaupo sa tabi nito. Gustong sumigaw, magwala ni Clyde sa nangyari kay Avianna, nakikiusap sa kanyang isipan na sana gumising pa ito. Sana buhay pa ito at mahimbing lang na natutulog.

Pagkabalik ng oras ay nasaksihan ng lahat na hawak ni Clyde ang espada na nakatusok sa katawan ni Avianna, kaya akala nila ay siya ang sumaksak dito. Puro papuri ang sinasabi sa kanya pero hindi niya ito pinapansin dahil ang atensyon niya ay nakatuon sa dalaga.

Ilang sandali pa ay may lumapit na isang kawal sa walang buhay na katawan ni Avianna upang tingnan at suriin ang pulso nito kung buhay pa siya. Tumayo ang kawal at humarap sa hari. 

"Kamahalan, wala na po siyang buhay. Patay na si Avi," sabi nito na ikinasaya ng tao sa court house.

Naikuyom ni Clyde ang kanyang kamay. Nawalan na siya ng pag-asa. Patay na talaga ang dalaga.

"Magaling, Clyde," puri sa kanya ni Haring Godric. Gusto niyang iangat ang tingin sa hari at ibuhos sa harap nito ang lahat ng pasakit at galit niya sa kanya. Pero hindi niya magawa dahil 'yon ang kagustuhan ni Avianna. Gusto niyang makuha ang hustisya na dapat. Kaya kailangan niyang magtiis kahit masakit.

"Kunin n'yo na ang bangkay ni Avianna at ilagay sa makina," utos ng hari sa kawal sabay turo doon sa bagong bili na imbensyon sa Saffron.

Lalapit pa sana ang mga kawal ng buhatin ni Clyde si Avianna. "Ako na ang magdadala sa kanya," walang ekspresyon na sabi nito sa kanila.

Nanghihina siyang naglalakad. Gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa. Gusto niyang maging matatag sa harap nila. Kahit gustong-gusto nitong saktan ang sarili niya. Kahit gusto niya nang bumigay at ipakita ang tunay niyang nararamdaman. Hinawakan niya si Avianna nang mahigpit. Kahit sa huling sandali lang mahagkan man lang niya ito.

Ingat na ingat siya sa paglagay ng katawan ni Avianna sa malamig na makina. Mapapansin na hugis oval ito na metal na nakaslant ang ayos. May malalim itong lalagyan kasya ang isang tao. 

Matapos niyang ilagay ay natuon ang atensyon niya sa hari. "Ang makinang 'yan ay para maglaho na ang katawan ni Avi. Unti-unti itong magiging abo hanggang sa mawala na ang babaeng 'yan." 

Naikuyom niya muli ang kanyang kamay nang marinig ang nais ng hari. Walang matitira dito, literal na mawawala ito. Hindi man lang niya hinayaan na bigyan ito ng magandang libing.

May kinuha si Haring Godric na remote control mula sa bulsa at may pinindot doon na nagdulot nang pagsara ng makina. Kitang-kita pa rin ang bangkay ni Avianna sa loob kahit nakasara na ito hanggang sa nagkaroon na nakakasilaw na liwanag. Halos lahat ay napatakip ng kanilang mga mata. Ilang minuto lang ay bumukas ang makina na umuusok pa. Ramdam na ramdam ang init nito sa kinalulugaran nila at nangangamoy parang sunog.

Napaatras siya sa kanyang nasaksihan. Ang bangkay na kanina na nilagay niya ay wala na. Miski abo ay walang natira.

"Patay na si Avi!" masiglang sabi ng hari kasabay ng masasayang sigawan ng mga tao sa loob ng court house.

Lumapit sa kanya ang hari at inilahad ang kanyang kamay upang makipagkamay. Pinigil niyang manginig at inabot ang kamay ng hari. "It is because of you, Clyde. Pinatunayan mo lang na karapat-dapat ka talaga maging susunod na hari." Tumawa si Haring Godric na lalong ikinainis niya. Ngumiti na lang siya ng pilit at tinitiis ang galit niya kahit gusto niyang patayin ang nasa harap niya.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon