Chapter 53: Unknown

5.9K 387 228
                                    

(Unedited) 

Chapter 53: Unknown

"Miss?" muling tanong ni Clyde.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang kailangan ko lang makaalis sa harapan niya. Na hindi niya malaman na ako si Avianna.

Nanlaki na lamang ang mata ko nang makita na may kumuha ng hawak ni Clyde na mansanas.

"Pwede ka nang umalis." Mula sa boses ni Ivor. Nakahinga ako nang maluwag nang dumating siya.

Tumayo si Clyde mula sa pagkakayuko at ramdam ko pa rin na nakatingin siya sa akin. Marahil naguguluhan sa inaasta ko.

Nakita kong tumalikod ang mga paa nito at nagsimulang lumakad palayo sa amin.

Tumayo ako at tinungo ang tingin sa likod ni Clyde. Bakit parang ang laki ng pinayat niya. Bakit parang ang lungkot ng boses niya kanina? Pinapababayaan mo ba ang sarili mo, Clyde?

Huminto sa paglalakad si Clyde at mukhang babaling ulit sa amin. Naestatwa lang ako hanggang sa naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin para matago ako mula sa kanya. Nakasiksik ang aking mukha sa dibdib ni Ivor. Amoy na amoy ko ang matapang na pabango nito.

Lalong humigpit ang yakap ni Ivor. "Siya ba?"

Naguguluhan akong inangat ang paningin sa mukha ni Ivor. Sobrang seryoso niya. Hindi ako sanay. Nang mapansin niya na naiilang ako ay umalis siya sa pagkakayakap at itinuon ang tingin ko kung saan naglalakad kanina si Clyde. Pero wala na siya ro'n. Umalis na siya.

"First time 'to ah. Nagkaroon ng emosyon ang mga mata mo." Napabaling ako sa katabi ko. Hindi na siya seryoso tulad kanina. Muling nakataas na ang sulok ng kanyang labi. "Gano'n ba siya kaimportante sa'yo para hindi ka makakilos?"

Inirapan ko na lang siya. Wala ako sa mood para patulan siya.

"K-Kanina pa ko, hanap nang hanap sa inyo," hingal na hingal na sabi ni Ethan na biglang sumulpot na lang sa harapan namin.

"Ang kupad mo kasi." Inakbayan ni Ivor si Ethan para hindi mapansin ang itsura kong tulala na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang gagawin.

Inalis ko sa isipan ko si Clyde, may mas importante pa na dapat kong bigyang pansin.

Kinuha ko ang papel sa bulsa na nakuha ko kanina sa poste at pinakita sa kanila. "Kailangan natin pumunta sa Cassia." Napatingin silang pareho sa akin. Tinuro ko ang address na nakalagay sa papel. "Sigurado ako nandoon ang sinasabi ni Hilda tungkol sa mga nawawalang babae."

Kinuha ni Ivor ang hawak kong papel at binasa. "At ikaw ang mag-a-apply?" Napatango ako sa tanong niya.

"Malaki ang percentage na ibang trabaho ang tinutukoy rito," naiiling na sabi ni Ethan.

"Pero ito ang paraan para makalapit tayo sa konseho at maibalik ang mga nawawalang babae. Malakas din ang kutob ko na may alam siya kung ano ang kumakalat na sakit dito sa Astria."

Napahilot ng sentido si Ivor saka lumapit sa akin at pinitik ang noo ko. "Kamahalan, padalos-dalos ka na naman."

Inalis ko ang kamay niya sa noo ko. "Nagbago na ko. Pinag-isipan ko 'tong mabuti."

"At paano kung makilala ka?"

"Uso ang make-up kaya hindi nila ako makilala."

"I see... Make-up," patango-tangong sabi ni Ivor. "Then, I'll do it."

"Ha?" sabay na bigkas namin ni Ethan.

"Sabi mo make-up ang gagamitin para hindi ka makilala. Then, ako ang gagawa, ako ang mag-a-apply."

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon