Chapter 7: Secret

10.9K 609 79
                                    

Chapter 7: Secret

"Ano ginagawa mo rito?!" gulat kong tanong kay Dustin.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko, bakit ka nandito?"

"Pwede ba huwag mong ibalik sa'kin ang—" Napatigil ako sa sasabihin nang may narinig kaming nagsasalita. 

"Wala po siya roon."

"Aargh! Siguradong 'di pa siya nakakalayo."

Habang nag-uusap sila ay dahan-dahan kaming umaalis sa pwesto namin. Hanggang sa may narinig akong malakas na tunog galing sa bakal.

Napalingon ako kay Dustin at nakabangga lang naman ng mga bakal kaya nagkalaglag ang mga ito. Tsk! Napatingin tuloy sila sa amin.

"Habulin sila!" sigaw nila.

Agad kinuha ni Dustin ang kamay ko at mabilis na tumakbo.

"Sundan mo ko, alam ko ang pasikot-sikot dito," sabi niya habang tumatakbo. Mabuti na lang liblib ang lugar at walang katao-tao.

"Alam mo kung nag-iingat ka hindi sana tayo tumatakbo ngayon," inis na sabi ko sabay alis ng kamay ko sa kanya.

"Hindi mo kailangan isisi sa'kin. Ang kailangan natin makatakas."

Kumaliwa siya kaya sinundan ko si Dustin. Nagulat ako nang may humarang sa'min na mga malalaking bato. Tiningnan ko ang humahabol sa'min at napag-alaman na sila ang kumontrol nito. 

Nagliyab ang kamao ni Dustin saka malakas na sinuntok ang nakaharang. Ganoon lang kabilis nadurog ang mga bato. Sinamantala ko ito at nag-ice blast sa kalaban kaya napalayo sila sa amin. 

"Maghiwalay tayo." Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Ha? Wala akong alam dito." Nagulat ako nang biglang may paparating na fire ball kaya mabilis akong yumuko. Napapunas ako ng pawis sa noo. Muntik na ko ro'n!

Muling umatake si Dustin ng fire bomb kaya nagkaroon ng malaking usok. Lumayo ang agwat namin sa kanila pero nanlaki ang mata ko na mabilis din ito nawala dahil sa air manipulation nila. Shit! Ang hirap naman nilang takasan.

"Makinig ka sa'kin. Sa unang kanto na madadaanan natin, kumanan ka habang ako kakaliwa. Tapos, kumaliwa ka. Doon tayo magkita."

Napansin ko na wala na si Dustin at kumaliwa na siya. Tulad nang napag-usapan ay kumanan ako. Habang tumatakbo ay nakita ko na nahati ang bilang nila. Ngayon ay naiintindihan ko na, mas mapapadali kung mababawasan sila.

Muli na naman silang umatake kaya ginawa kong yelo ang parte na tinatakbuhan nila dahil doon natumba ang mga ito. Napamura na lang ako nang makitang ginamit ng lalaki ang fire ability nito kaya natunaw ang yelo na ginawa ko. Muli akong tumakbo palayo sa kanila.

Nagulat ako nang sabay-sabay silang umatake kaya agad ako naghanap nang matataguan para hindi matamaan. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang 'di ko na napansin 'yung usapan namin ni Dustin.

Hinihingal akong napakamot ng ulo. "Mali yata nalikuan ko," bulong sa sarili.

Lumiko ako hanggang sa nanlaki na lang ang mata ko nang bumungad sa 'kin ang pader. Napaatras ako. Dead end.

Saan ako pupunta? Naghanap ako na pwedeng takasan pero wala, puro pader ang nasa gilid at likod.

"Psst!" Mula sa 'di pamilyar na boses. Hinanap ko kung saan galing 'to. Palinga-linga ako pero wala namang tao.

"Sa likod mo." Tumingin ako sa likod pero pader lang ang nakikita ko.

"Dumiretso ka patungo rito, hija," utos nito.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon