Chapter 35: Sacrifice

6.1K 333 9
                                    

Chapter 35: Sacrifice

Dinala nila ako sa kulungan malapit sa palasyo ng hari. Nakaupo lamang ako sa gilid na may posas sa mga kamay. Balik na naman sa kulungan. Dating gawi. Buhay preso. Pero iba ngayon. Dahil bukas, papatayin na 'ko. Mapait na lang ako napangiti. Hindi ako takot kay kamatayan. Sanay na ko pero madami pa akong gustong gawin at isa na ro'n ay iligtas ang kahariang ito. 

Nahihirapan na rin akong huminga dahil siguro sa ginawa kong pag-iyak. Hindi ko pa rin matanggap na namatay si Elise. Isang batang musmos na maraming pangarap pero walang awa nilang pinatay.

"May problema ba, Princess Celestine?" tanong ng isang kawal. Dinapuan ko lang ito ng tingin at hindi pinansin. Kahit nahihirapan na ko, hindi ako hihingi ng tulong sa kanila.

"Tanga! Hindi siya si Princess Celestine. Siya si Avi!" sabi naman ng isang kasama nito sa kanya.

"Sorry, nakasanayan lang." Pakamot-kamot pa ito sa kanyang buhok. 

Tumapat ang kasama nito sa kulungan ko. "Akala mo kung sinong makaastang prinsesa. Isa palang Setran. Isang kriminal!"

Blanko lang ang titig ko sa kanya. Wala na kong lakas para patulan pa ang isang tulad niya.

"Baka gamitin niya ang ability niya sa atin."

"Nasa kulungan siya na may magic sealing, siguradong hindi niya magagamit ang ability niya." Tumingin ito sa kasama niya at ngumisi. "Gusto mong subukan?"

May kinuha ito sa bulsa na parang remote at saka may pinindot. Do'n na 'ko nakaramdam na sobrang hapdi sa katawan. Para akong kinukuryente.

Naikuyom ko ang aking kamao. Pinipigilan ko na sumuko. Kaya ko pa, wala lang 'to sa lahat ng pinagdaanan ko.

Naiintindihan ko ang galit niya pero wala siyang alam kung bakit nagawa ko 'yon dati. Hindi nila alam kung ano dinanas namin sa kamay ng mga Aclarian.

"Tigilan mo na 'to, baka mapagalitan tayo." Hinawakan ng isa nitong kasama ang braso na may hawak ng remote. Pinipigilan niya ito sa ginagawa pero sa halip na itigil ay mas naramdaman ko ang sobrang sakit sa katawan ko. Nagngitngit ang aking mga ngipin. Sinusubukan kong hindi sumigaw pero mas lumakas pa lalo ang nararamdaman kong sakit hanggang sa napasigaw na 'ko.

Kaya mo 'to, Avianna. Kaya mo pa 'tong tiisin.

"Anong ginagawa n'yo?!" bungad sa kanila ng parang pinuno nila. Tumigil ito sa pagkontrol ng remote kaya tuluyan akong napahiga sa malamig na semento. Mabilis naman na humingi ng tawad ang mga ito sa kanya.

Hinihingal ako sa naramdaman kong sakit. Gustong-gusto na sumuko ng katawan ko pero hindi pa pwede.

"May bisita ka," sabi ng pinuno nila. Nabaling ang atensyon ko sa babaeng tumungo sa harapan ng kulungan ko. Pinilit kong umupo at matalim na tingin ang pinukol sa kanya.

"Iwan n'yo muna kami," sabi ng ginang sa mga kawal na mabilis na nagsisunod.

"Ano ang ginagawa mo rito, Duchess Clementine?" matapang kong saad. Siya ang may dahilan kung bakit ako nakakulong ngayon. Siya ang may dahilan kung bakit nasira ang plano namin. Pinagkatiwalaan namin siya pero anong ginawa niya, trinaydor niya kami.

"Avianna, gusto ko lang sabihin na may ginagawa silang plano tungkol sa paghahatol sa'yo bukas," malumanay niyang saad.

"Para ano pa? Papatayin naman din ako 'di ba? At 'yon ay dahil sa kagagawan mo."

Huminga siya nang malalim. "Inaalala ko lang baka hindi matuloy ang plano n'yo."

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Sira na ang plano. Ano pa ang sinasabi niyang plano?

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon