Chapter 50: A Leader

6K 410 139
                                    

Chapter 50: A Leader

(One year later)

"Kamahalan, may namataan po na tatlong naval ship ng Northern Wan, malapit sa Water tribe," aniya ng kapitan ng militar mula sa radio transceiver.

Nagkatinginan kami ni Ivor sa sinambit nito. Mukhang gusto na naman nilang pumunta sa Marren pero ngayon, ang hanap nila gulo.

Agad akong tumayo sa aking trono at tumungo sa meeting room habang nakasunod si Ivor. Tulad ng inaasahan narito ang lahat ng mga konseho—nalaman din nila ang balita. Hinihintay kung ano ang gagawin kong hakbang.

Nang makita ako ay agad silang nagsiyukuan bilang paggalang. Dumiretso ako sa harap na may foam na upuan at metal na lamesa.

Umupo ako at tiningnan ang kabuuan ng silid. Halatang nangangamba ang mga konseho sa maaring gawin ng Northern Wan.

"Your highness," bungad sa akin ng lalaking konseho. "Maganda po sana kung ibigay na lang natin ang maliit na bahagi ng Water tribe. Para hindi mauwi pa sa giyera ito. Mahihirapan lang tayo kung maglalaban pa ang bawat panig. Maraming madadamay sa gulong 'to."

Nakita kong nagtagis ang bagang ni Ivor sa sinambit ng konseho. Halatang naiinis din ito tulad ko. Dalawang beses na sa taong ito nang subukan nilang kunin ang Water Tribe. Natitigil lamang ito dahil napapakiusapan sila ng mga konseho. Pero halatang hindi sila titigil hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nila. 

"Sinasabi mo bang sumuko na lang tayo?"

"Hindi po sa gano'n, your highness. Pero 'yun po ang makakabuti."

Nakarinig ako muli ng magulong tunog mula sa radio transceiver hanggang sa marinig magsalita ang kapitan. "Kamahalan, malapit na po sila. Mga 25 minutes ay makakarating na sila sa Water tribe."

Nagkatinginan ang nasa loob ng meeting room. Karamihan sa kanila ay halatang umaayon sa gusto sa sinabi ng isang konseho. Na ibigay na ang maliit na kapiraso ng Water Tribe sa mga Northern Wan.

"Narinig n'yo naman ang sinabi niya. Hindi tayo pwedeng tumunganga na lang at hayaan kunin ang dapat sa atin." Matapang ko silang tiningnan lahat. "Kailangan natin 'to gawan ng aksyon."

Agad na tumayo ang kanina kong kausap na konseho sa sinambit ko. "Your highness, matagal ng panahon ng maka-encounter ang Marren sa giyera. Ang mga namumuno noon sa Marren ay ginawa ang pinag-uutos ng kalaban para hindi magkaroon ng giyera."

Tumaas ang sulok ng aking labi. "Hindi ako tulad ng mga naunang namuno sa Marren. Pero isa lang ang mapapangako ko sa inyo. Sisiguraduhin ko na hindi makakatapak ang Northern Wan sa imperyo natin." 

Mabilis akong tumayo at tumungong labas ng meeting room. 

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ivor. Napabaling ako sa kanya, sumunod pala siya. Sabagay kahit saan naman ako pumunta ay kabuntot ko siya. 

Kinuha ko ang radio transceiver sa bulsa ko at hindi pinansin ang tanong niya. "Ihanda n'yo ang sasakyan, tutungo tayo sa Water tribe." 

"Masusunod po, kamahalan," sagot nang tinawagan ko.

Ibinalik ko ang radio transceiver sa bulsa habang si Ivor naman ay bumilog ang mata.

"Anong ibi—"

"Sasama tayo sa militar. Pipigilan natin ang Northern Wan."

---

Dumating kami sa Water Tribe at sumakay sa ship kung nasaan din ang mga militar. Nagtungo agad sa harap ko ang kapitan nito. Inilagay niya ang kanyang mga daliri sa noo bilang paggalang sa akin. At ginaya ko rin ang ginawa niya.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon