Chapter 12: Cast Out

8.7K 494 65
                                    

Chapter 12: Cast Out

Sigurado akong boses ni Peter 'yon. Nandito siya. Inikot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita. Hindi ko na rin marinig ang tumatawag sa 'kin. Pupuntahan ko sana ang direksyon kung saan ko narinig ang boses na 'yon nang may biglang humawak sa braso ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Dustin.

"May kailangan ako puntahan." Sabay alis sa pagkakahawak niya.

Nagdikit na naman ang kilay nito. "Mas importante pa ba 'yan kaysa rito?" tanong niya sabay tingin sa paligid.

Napansin kong nakatingin din ang iba. Tila nagtataka sa kinikilos ko. Napabuga na lang ako ng hangin. Sorry, Peter.

---

Dumiretso ang lahat sa palasyo ng hari matapos ang parada. Bumungad sa'min ang napakahabang mesa na punong-puno ng pagkain. Nagpahanda pa siya, samantala, hindi naman niya matulungan ang kaharian niya.

Muling nakaupo sa pinakadulo ang hari. Habang kumakain ay pinaingay ng hari ang baso gamit ang kanyang kubyertos. Napatingin ang lahat sa kanya.

"Humihingi ako nang paumanhin sa nangyari kanina. Dapat nakasakay kayo sa karwahe, hindi dapat kayo pinapahirapan," sabi niya kasunod nang pagpukol ng matalim na tingin sa 'kin. Napayuko ako sa sinambit niya, malamang maraming naiinis sa 'kin na royalties.

"King Godric, we had fun. This is the first time, we enjoyed the parade." Napaangat ako ng tingin sa sinabi ng Emperor ng Groca. Tumango ang ibang mga royalties na mga nakangiti sa akin.

"Tama ka riyan, Emperor Rob. Nakakatuwa lang at lahat ay nagsaya kanina," masayang sabi naman ng reyna ng Jerrinor.

Tinapunan ako ng tingin ng reyna ng Vaetus at gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. "Thanks to you, princess?"

"C-Celestine po," nauutal kong sambit.

Bumaling ang reyna ng Caidal kay Godric. "Astrians must be proud to Princess Celestine. She has the qualities of a good leader."

King Godric gave a fake laugh. "O-Of course," he said.

Matapos ang dinner ay nag-uwian na ang mga royalties at bigla kong naalala si Peter. Buhay siya. Tutungo na sana ako kung saan ko siya narinig nang may humarang sa harap ko.

"Saan ka pupunta?" masungit na tanong ni Dustin.

"Kailangan ko siyang makita. Buhay siya Dustin." Napatingin siya sa paligid matapos nang sinabi ko. Kahit papaano ay mayroon pa rin na tao sa palasyo.

Hinatak niya ako sa pinakagilid. "Isa ba siya sa kasama mo noon?" mahinang sabi niya na ikinatango ko. "Nakita mo ba siya?"

"Hindi, pero narinig ko siya, tinawag niya ko sa totoo kong pangalan."

Napabuga na lamang ito ng hangin tila hindi naniniwala na si Peter 'yon. "Paano kung mali ka lang ng dinig?"

Umiiling ako. "Gusto kong makasiguro."

"Maingay pa kanina, malamang nagkamali ka lang."

"Pero..."

Muli na naman magkakasalubong ang kilay nito dahil umaangal na naman ako. "Umuwi na tayo. Ihahatid na kita." Hinatak niya ang braso ko at hindi na napigilan pa na ihatid ako sa palasyo ng Zedler.

Nang buksan ko ang napakalaking pinto ay nagulat ako nang makita si Amethyst, nakaupo ito sa sofa na tila pagmamay-ari niya 'yon.

"Ano ang ginagawa mo rito?" takang tanong ko. Akala ko tuluyan nang aalis ang babaeng 'to.

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon