Chapter 13: Pheonix Home

8.8K 457 43
                                    

Chapter 13: Pheonix Home

Nandito ako ngayon sa hallway ng palasyo ng hari. Matapos akong utusan ay dumiretso agad ako rito. Baka pagalitan pa ko ni Clyde. Nakakahiya naman sa kanya. 

"What are you doing here?" bungad sa 'kin ni Ross na naglalakad papalapit sa akin.

"Kinakamusta ka lang." Ngumiti ako nang pilit.

"Talaga?" Ngisi niya. "Nakakagulat naman na si Princess Celestine, kinakamusta ako."

Huminga ako nang malalim. "Gusto kong mag-sorry sa nangyari sa parada," pagsisinungaling ko.

"Dapat sa hari ka muna humingi ng tawad."

"Ang totoo, hindi lang sa parada pati na rin sa mga nakaraang araw." Yumuko ako sa kanya bilang paggalang at muling humingi ng tawad.

Sa kabila no'n, nakitaan ko pa siya nang pagngisi. Nagngitngit ang aking mga ngipin. Gusto ko na talagang makaalis dito. Kailangan ko nang malagay ang recorder.

Kaya niyakap ko siya at humingi muli ng tawad. Napansin kong napasinghap siya kaya sinamantala ko na ilagay ang recorder sa batok niya habang yakap siya.

Hindi ko pinangarap na yakapin siya pero dahil sa lecheng recorder na 'to. No choice na 'ko.

Pagkabitaw ko sa kanya ay bigla siyang nagtanong. "May gusto ka ba sa'kin?" 

Ngumiti na lang ako nang pilit. "Niyakap lamang kita para makita mong totoo akong humihingi ng tawad." Nagpaalam na ko rito at nagmadaling umalis sa palasyo ng hari. 

Napailing na lang ako sa kayabangan ni Ross.

Pagdating sa palasyo ni Clyde, mapapansin na wala si Dustin at Clyde. Tanging tagasilbi at kawal lang. Saan naman pumunta ang dalawang 'yon?

Natuon ang atensyon ko sa may pinto nang bumukas ito at iniluwa ang dalawa. Mapapansin na seryoso sila at mukhang may malaking problema na naman.

Sinundan ko sila upang tanungin kung anong nangyari. Pero agad na humarang sa harap ko si Dustin habang si Clyde naman ay tumungo na sa kanyang silid. 

"Anong problema?" bungad ko kay Dustin.

"Hindi mo na kailangan malaman pa," masungit na sagot nito. 

Napabuga na lang ako ng hangin. Masyado ka kasing tsimosa, Avianna. Tumalikod na lang ako upang tumungo sa silid ko nang biglang hawakan ni Dustin ang kamay ko at marahas hinila papalabas.

"Anong ginagawa mo?" inis kong tanong habang hila-hila ako.

"Samahan mo 'ko, may pupuntahan tayo."

"Pwede ba kaya mo na 'yan mag-isa." Pilit kong inaalis ang hawak niya pero lalo niya itong hinigpitan. Matalim ko siyang tiningnan.

"Alam ko, pero kapag iiwanan kita sa palasyo kasama ang prinsipe baka naman siya ang istorbohin mo. Mas mabuting isama kita para walang manggulo sa kanya." Napairap na lang ako sa dahilan niya.

"Dinamay mo pa ang prinsipe, ang sabihin mo gusto mo lang ako makasama."

"Kung ano-ano sinasabi mo, sumakay ka na lang." Hindi ko namalayang nakalabas na pala kami at pabalyang niyang binuksan ang pinto ng sasakyan. Pumasok na lang ako at siya naman ay dumiretso sa driver's seat. 

Habang nasa biyahe ay walang umiimik sa 'min. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at ba't kailangan pa kong isama. Napabuga na lang ulit ako ng hangin.

Mga isang oras din ang tinagal ng biyahe nang huminto ang sasakyan. "Nandito na tayo," sabi ni Dustin.

Pagbaba mapapansin ang mataas na gate. Napatingala ako para basahin ang kulay gintong nakasulat sa gate. Pheonix Home.  Anong klaseng lugar 'to?

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon