Chapter 21: King's Disease

7.5K 417 9
                                    

Chapter 21: King's Disease

"Ano nakain mo?" Gulong-gulo na ko sa kanya. Parang may mali.

Malapad siyang ngumiti. "Still don't get it, huh?"

Lalong kumunot ang noo ko. Ano ba ang tinutukoy niya? Wala akong maintindihan. 

Dumiretso ang tingin ko sa mata niya. "Kung ano man 'yon, wala akong pakialam." 

Unti-unting nawala ang ngisi niya saka ako binitawan. 

"Fine, you can go now," malamig niyang sabi. Tumalikod siya na para bang ayaw ipakita ang ekspresyon niya at lumakad papalayo. 

Hindi ko alam pero napahawak ako sa dibdib. 

Napailing na lang ako at umuwi na.

---

Tatlong araw na ang nakaraan. Nakakapanibago na walang nangungulit sa 'kin na Clyde. Weird, nasanay ako na palaging may pinapagawa siya. Hindi kaya dahil ito sa nasabi ko no'n. Tuwing naalala ko 'yon ay sumasakit ang dibdib ko. Kailangan ko na yata magpagamot.

Nanlaki ang aking mata nang may napansin akong lumiliwanag. Umangat ito at naaninagan ang bagay na 'to. 'Yung libro—ang hidden dimension. Bigla nawala ang liwanag at bumagsak sa kama. Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari no'n sa Marren Empire.

Dali-dali ko itong binuksan. Walang naman nabago sa laman nito. Gano'n pa rin, hindi ko pa rin naintindihan ang sulat. Anong nangyari? Ano kaya nakatagong hiwaga sa libro?

Pumasok sa aking isipan ang hinahanap ng hari na libro kay Lola. Hindi kaya ito 'yon? Kailangan kong makasigurado.

Pumunta ako sa library at naghanap kung paano mababasa ito. Kung sinusuwerte nga naman, nakahanap agad ako.

Eubiya, ang tawag sa lengawaheng ito. Sinaunang lengawahe ng mga Astrian na tuluyang nawala sa panahon ngayon. 

Sa pagbuklat ko ng libro ay nagpapakita ng kaakibat na kahulugan ang mga letra. Malaking tulong ito para malaman ko kung ano ang bumabalot na misteryo sa libro.


Third-Person Point of View

Isang hapon sa palasyo ay hindi pa rin matapos-tapos ang isyu tungkol sa anak ng hari na si Ross. Kahit sawang-sawa na ay wala maisip na gawin ang hari para mawala ang balita tungkol sa binata. Hihintayin na lamang ni Haring Godric na makalimutan ng Astrians ang nangyari.

Habang nagpapahinga ang hari ay sinamantala ni Ross na kausapin ang kanyang ama. Alam niya mainit ang ulo nito kaya nagpalipas muna siya ng ilang araw bago kausapin ito. Umaasa siya na sana humupa na ang galit nito.

Pagpasok niya sa trono ay kitang-kita ang galit sa mata ng hari. "Ano ang ginagawa mo rito?!" 

"Dad..."

"Huwag mo akong matawag-tawag na ama, dahil wala akong anak na walang kwenta!"

"Pero Dad, gagawin ko po ang lahat para makuha ulit ang loob ng konseho." Lumakad ang hari patungo kay Ross at sinakal ito na halos hindi na makahinga ang binata.

"Sa tingin mo ba magagawa mo pa 'yon?!" sigaw muli ng hari kasabay ng pagbalibag sa anak niya. Halos lahat ng nakasaksi ay natatakot na sa kinikilos nito. Hindi makagalaw dahil baka sila ang isunod ng hari.

Kahit hirap ay nagsalita ang binata. "I-I'll do anything Dad, kung sino ang nasa likod ng paglabas ng audio—" 

"Quiet, you piece of sh*t!"  Napatigil si Ross sa sigaw ng hari. "The whole kingdom thinks you commit the gravest sin, you should punished by death!" 

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon