Chapter 8: Bow and Arrow

10.6K 604 50
                                    

Chapter 8: Bow and Arrow

Ilang araw na rin ang nakakalipas nang pumunta ako sa Marren Empire. Sa ilang araw na 'yon ay wala kaming sinayang na oras. Puro kami training ni Miss Eleonor at ni Captain katulad na lang ngayon.

"Isa pa!" utos ni Captain.

Matamlay kong kinuha ang palaso at muling tumira. But again, the arrow missed its target.

"Kailan ka ba matututo? Simpleng tira lang hindi mo pa magawa."

"Hindi ko nga kaya 'yan, iba na lang gaya ng pag-e-enhance ng ice ability ko," suhestiyon ko sabay lagay ng bow at arrow sa stainless na lamesa.

"Masyado kang depende sa ability mo na siyang ikababagsak mo," naiiling na sabi ni Dustin. "Katulad na lang noong tumakas ka sa selda mo. Wala kang ibang ginawa kundi paganahin ang ability mo pero hindi ka man lang nag-isip na lahat ng pader na nakikita mo ay isang ilusyon."

Kumunot ang noo ko. "Ibig sabihin, kaya hindi ko makita ang pinto dahil ilusyon 'yon?" inis na tanong ko.

"Oo at dahil naniwala ka no'n ay nagkakatotoo ang sugat o sakit na naramdaman mo." Naikuyom ko ang aking kamay. Habang ako nag-iisip kung paano makatakas noon, sila naman ay pinagtatawanan ako.

"Kung gano'n, bakit n'yo ko hinayaan gamitin ang ability ko?"

"Simple lang, Celestine. Gusto namin malaman kung ano ang kaya mo. Kaya subukan mo ulit." Nguso niya sa board. Nagngitngit ang aking ngipin.

Sa halip na arrow at bow, kumuha ako ng dagger at tinira ito. Then the dagger hits the target.

"Bull's-eye!" Ngisi ko sa kanya.

Matapos ang training ay tutungo na ako sa aking silid nang mapansin si Clyde. Nakatayo siya at nakasandal sa pader malapit sa pinto ng silid.

Nang mapansin niya ko napaayos siya ng tayo. "Anong kailangan mo?" mataray kong saad.

"Pack up your things. Lilipat ka na sa mga Zedler."

---

Pagbaba ko sa sasakyan ay bumungad sa'kin ang napakataas na palasyo. Nang pumasok ako sa loob, nakita ko ang mag-asawang Zedler na masayang bumati sa akin. Sinalubong din ako ng tagasilbi nila para kunin ang mga gamit ko.

Sinamahan ako ni Duchess Clem sa magiging silid ko o dating silid ni Celestine. Halos magningning ang aking mga mata sa nakikita. Sobrang daming libro.

"Mahilig ang anak ko na magbasa kaya nagpalagay siya ng shelf dito bukod sa library," saad ni Duchess Clementine  habang nakatingin sa mga libro. Mukhang naalala niya ang anak niya. Tipid siyang ngumiti at bumaling sa akin. "Hija, pumasok ka na. Alam kong napagod ka sa biyahe."

Tuluyan na kong pumasok at kinuha ang bag ko saka umupo sa higaan upang ayusin ang gamit ko.

"Gusto ko rin malaman mo na ang hari ay gustong magkaroon ng handaan para sa'yo." Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. 

Umiling ako. "Hindi ko na po kailangan 'yon." Umupo siya katabi ko sabay hawak niya sa mga kamay ko.

"The king has already decided." Inayos nito ang aking buhok at nilagay ang ilang hibla sa likod ng aking tainga. "Isa pa hija, gusto kong makuha mo ang tiwala ng hari para madali magawa ang plano natin."

Alanganin akong napatango. "Okay po, Duchess Clementine." Ngumiti siya at marahang hinawakan ang aking mukha. Tiningnan ako nito na halatang nangungulila sa kanyang anak.

"From now on, call us mom or dad."

"Okay, M-Mom."

---

Crown of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon